TREVOR Alak lang ang naging karamay ko sa bawat oras at araw na natatapos. Napatingin ako sa kalangitan mag gagabi na pala at heto mag-isa na naman ako. Parang kailan lang ang saya ko sa sobrang saya ko at nakalimutan ko na masama palang maging sobrang saya at may kapalit. Nagising ako sa pambubulabog ng katok sa pag-aakalang si Manang ito kaya pinag buksan ko gayon na lang ang gulat ko ng makita si Dom at ang sama ng tingin sa akin. "D...Dom?" "Can we talk?" tanong nito. Umiling iling ako at ayoko ng may kausap. Kaso mapilit ito kaya tinulak ang pintuan. "What the hell are you doing, Trevor. Tingnan mo nga yang sarili mo, halos hindi ka na naglalabas dito. 'Di pwedeng habang buhay kana lang ganito. Alam mo ba kong saan nagpunta ang asawa mo?" tanong nito sa akin habang senesermuna

