Chapter 8 - Game And Drinks

2016 Words

“MARIELLA!” Nilingon ng dalaga ang tumawag sa kanya. Napansin niyang naglalakad patungo sa mesang kinaroroonan niya si Jed. May dala itong brown paper bag. Nang huminto ito sa tabi niya ay ibinaba nito ang dala-dala. “Lunch,” wika nito saka umalis din agad bago pa man makapagpasalamat ang dalaga. “Wow! Talaga naman, ha?” nagpapalatak na sabi ni Issa. Si Dianne naman ay dumukwang. “Boyfriend mo ba iyong assigned bagger sa counter mo?” pabulong nitong tanong. “Hindi, ah!” biglang sagot ni Mariella. “Shhh…Ang ingay mo!” saway ni Dianne sa kanya at itinapat pa ang isang dalri sa bibig nito.             “Kung hindi mo siya boyfriend, bakit lagi ka niyang dinadalhan ng pagkain?” tanong naman ni Issa sa mahinang tinig.             Mahina lang ang usapan nila dahil hindi kalayuan sa mesa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD