"I NOTICE you seemed a little sad, kouklista mou. Is there any problem? Don't you like the party that we prepare for you?" nag-aalala ang tono ng ama ni Irene nang lapitan siya nito. Malapit nang matapos ang kanyang eighteenth birthday party. Isang success ang okasyon at isa iyon sa pinakamagandang party na nakita ni Irene. Kahit ang mga kaibigang inimbita ay ganoon din ang sinabi. Hindi na naman iyon kataka-taka. She knew she deserved it. Siya lang naman ang nag-iisang anak ng isa sa mga pinakamagaling na shipping magnate sa buong Greece. At mahal na mahal siya ng mga magulang. Madalas ay pinapaboran ng mga lalaking Greek ang anak na lalaki. Pero iba ang ama ni Irene. Sa halip na paboran palagi ng kanyang ama si Nikos ay siya ang mas minahal nito. Kahit na hindi siya kumuha

