Present BUKOD sa saya ay hindi rin maggawang itago ni Nikos ang pait at galit habang nagkukuwento siya sa mga kaibigan niya sa bagong natuklasan. He just discovered that he had a son, how cruel was that? Kung hindi pa namatay si Stavros ay hindi niya pa malalaman. Kung hindi pa siya nagpalit ng taga-imporma sa kanya sa lagay ni Irene. At kahit hindi man tuwirang sabihin sa kanya ni Irene ay alam na agad niya na anak niya si Nicollas. Walang duda roon. Mula sa mata niya ay kamukhang-kamukha niya ito. He was his younger version. Kamukhang-kamukha niya ito noong bata pa siya. "That is what pride can do to us," pangaral ni Vincent. Kasalukuyan itong nasa Pilipinas dahil inaasikaso nito roon ang pinatatayo ng Haven Group of Companies na pinakamalaking Hotel and Casino sa Pilipinas.

