Aubrey's POV
Hinatid ako ni Warren pauwi. Nakuwento n'ya sa akin na Tita n'ya pala talaga si Tita Mar at tinutulungan n'ya itong mapalago ang business nito.
Pagkauwing pagkauwi ko pa lang ay si Xander na agad ang bumulaga sa akin. Nakaupo s'ya sa sofa habang nakatingin sa akin. Ayoko maging assumero pero parang hinihintay n'ya ko.
"Where have you been?" Hindi ako nagpaalam kung kaya't ganyan na lang ang bati n'ya sa akin. Hindi ako makatingin sa mata n'ya dahil sa talas ng tingin n'ya sa'kin.
"May binili lang ako." parang ewan kong sagot at saka humakbang para umakyat ng k'warto nang pigilan n'ya ko.
"Binili? You're gone for almost ten hours and sasabihin mo sa'king may binili!" Pasigaw at galit na sabi n'ya sa akin. Napako ako sa kinatatayuan ko. Para 'kong batang pinapagalitan.
"Where have you been Aubrey..." malumay na nitong tanong at saka ako nilapitan. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago s'ya sinagot.
"Trabaho." Simpleng sagot ko dito at saka umalis. That one word explained everything. Siguro'y galit s'ya dahil hindi ako nakauwi ng tanghali para ipagluto sila ng lunch.
"Hoy bakla!" Nakaiinis na sigaw ni Agatha. Itong babaeng 'to parang nasa kabilang barangay ako kung makasigaw.
Nakangiti ko itong hinarap kahit deep inside gusto ko na lang pumasok ng k'warto at huwag siya pansinin. Ganda sana asal squatter naman.
"Saang gay bar ka ba nanggaling, ha? Ako ang sinisigawan ni Kuya kanina kakahanap sa'yo!" Reklamo niya. Kakahanap? Hinanap ako ni Xander?
"Napakalandi mo kasi umalis ka nga diyan bwisit ka talaga!" Binangga niya ako sa balikat at nilagpasan. Well sino ba namang hindi maghahanap sa maid 'di ba?
For sure uutusan lang ako nu'n kaya ako hinanap. Huwag kang umasa Aubrey na nag aalala sa'yo 'yun. Sa sitwasyon mo ngayon, 'yun dapat ang pinakahuli mong maisip. Matagal na kayong hindi magkaibigan.
Zain's POV
"Zain?" Nilipat ko ang tingin ko kay Justin at tinulak ang babaeng kanina pa dikit ng dikit sa'kin.
"What?" Nakataas kilay kong tanong dito. Napailing na lang siya at saka uminom ng wine. We're currently in Lucas' apartment. Hinihintay lang namin si Xander dahil may haharapin kaming grupo ngayon.
Napakatagal naman ng taong 'yun. Naiinip kong ininom ang tequila at saka inalis sa lap ko ang malanding babaeng 'to. Ewan ko kung saan nanggaling 'to basta na lang ako nilandi.
"Wala pa ba si Xander?" Naiinis kong tanong kay Drake. Nagkibit-balikat naman siya at saka nakipagharutan 'dun sa isa pang babae.
Matagal na naming kaaway ang grupo na haharapin namin ngayon. Malaki ang kasalanan sa'kin ng damuho nilang lider liderang si Dwayne. Hinding-hindi ko malilimutan ang ginawa n'ya sa'king pag traydor.
"It's almost dark and wala pa s'ya?" Naiinis kong sabi. Ano ba'ng pinagkakaabalahan nu'n. Napatingin ako sa pinto nang magbukas ito. Pumasok ang kanina pa naming hinihintay na si Xander.
"Ba't ngayon ka lang p're?" Agad na tanong ni Lucas.
"Wala. 'Yung maid kasi namin napakagala." May bahid ng inis na sagot ni Xander. Maid, huh? Ano namang kinalaman ng paglalakwatsa ng maid n'ya sa pagka-late n'ya.
"Wait, who? 'Yung magandang bakla na inaaligiran mo?" Nang aalaska na tanong ni Lucas. Agad s'yang sinamaan ng tingin ni Xander.
"Shut the f**k up." asar na sagot ni Xander at saka ako tiningnan.
"What now? Tara na." ngumisi ako kay Xander. Atat mas'yado. Sa aming lahat si Xander ang pinakabrutal. S'ya yung tipo ng adik sa bangasan ng mukha. Sila ang may-ari ng Fainsoft. May shares din ang family niya sa school namin.
Si Lucas naman, playboy at manyak kagaya ni Drake. They're cousins kaya hindi na ako nagtataka. Sikat na mga artista ang pamilya nila at sinusundan na nila ang yapak ng mga magulang nila.
Sa lahat si Justin lang talaga ang tila may pakpak ng anghel sa aming Lima. Madali itong maawa sa kaaway in short Kill Joy. Ang family niya ang may-ari ng Gasteau's Restaurant. It's one of the highest grossing restaurants in the Philippines.
"Ano'ng nangyari kay Aubrey?" Tatayo na sana ako para lumabas nang biglang nagtanong si Justin. Nagtataka ko itong tiningnan.
These past few days nakikita ko s'yang dikit ng dikit sa maid ni Xander which is yung lalaking parang tibong lumalandi sa tambayan ko.
"You look too concerned Justin." Natatawang sabi ni Drake kay Justin na inis lang s'yang iniwasan ng tingin. If he's gay I don't really mind. We're still friends.
Pero huwag s'yang umasang may luluhuran s'ya sa'kin. Kahit gaano ako kabasag-ulo. I still respect the l***q community.
Gago pero may respeto.
Inaatake lang talaga ako kapag nakakakita ako ng tatanga-tanga kaya nabanatan ko 'yung maid niya. Mukha kasing lampahin at mahina.
"Cut it nangangati na kamay ko." Walang emosyong sabi ni Xander at nauna ng lumabas.
Pagdating sa abandonadong gusali.
"Kumusta Montefalco?" Nang iinsultong bati ni Dwayne. Nginisian ko lang siya.
"Pipi ka pa rin ba hanggang ngayon?" Nakangising sabi ni Dwayne at saka tumawa. Nawala ang ngiti ko at saka ikinuyom ang kamao ko. Kahit kailan nakaiinis talaga ang tawa ng kumag na'to.
"Bangasan ko na ba, p're?" Gigil at inip na tanong sa'kin ni Lucas.
"You don't need my permission, Lucas."
Let the chaos begin.
Nagkanya-kanya kaming away at agad akong sumali sa gulo.
Agad hinanap ng mata ko si Dwayne. Akala n'ya siguro ay palalagpasin ko ang ginawa niya. Siya ang naghamon sa amin ng away at alam kong may balak s'ya kaya n'ya kami hinamon. Well may balak din ako.
Isang malakas na suntok ang binigay ko sa kanya. Napahiga s'ya sa maduming semento ng abandonadong gusali.
"Matagal kong hinintay 'tong araw na'to, Dwayne." ngiting dimonyo kong sabi dito at saka s'ya tinadyakan sa sikmura. Napakagago mo para traydurin ako.
Sisipain ko sana ito sa mukha nang agad itong bumangon at tinulak ako. Nakangisi ko s'yang pinanood magpagpag ng damit.
"Gago ka pa rin Montefalco." Pinunasan nito ang tumutulong dugo sa labi niya. Hindi lang 'yan ang aabutin mo sa'kin Dwayne.
"Wala ng mas ga-gago sa'yo, Dwayne." tumawa lang siya at saka pinatunog ang buto n'ya sa daliri.
"Ginalit ko lang ang sarili ko kaya nakasuntok ka sa'kin pero hindi ko na hahayaang mabangasan mo ko ulit." Hindi ako nakaiwas nang mabilis nitong tinadyakan ang sikmura ko. Napahiga ako sa sahig dahil sa kirot na naramdaman.
"Ano isang sipa ka lang ba Montefalco?" Masamang tingin ang pinukol ko dito. Napakayabang ng gagong 'to. Nanatili akong nakaupo sa sahig at iniinda ang sakit ng tiyan ko. May natamaan s'yang napakasakit sa sikmura ko.
"Parang no'ng iniwan ka lang ni Rhea ah..." Biglang nawala lahat ng iniisip ko at nandilim ang paningin ko nang banggitin n'ya ang pangalan ng babaeng mahal ko.
Wala akong inaksyang oras at agad akong tumayo para bigyan s'ya ng malakas na suntok sa panga.
"Sinira ng relasyon niyo ang isang fabricated na litrato Montefalco." hawak ang pangang sabi ni Dwayne habang nakahiga sa sahig. Hindi ko lubos akalain na mas paniniwalaan pa ni Rhea ang litrato kaysa sa akin.
"Ano'ng ginawa ko sa'yo..." Ang tanging nasabi ko dito. Tinaas n'ya ang mata nya sa akin at nawala ang naka-iinsultong ngiti sa labi n'ya.
"Pinagkatiwalaan kita Dwayne. Pinagkatiwalaan kita Warren!" Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha sa mata ko. Mahal na mahal ko si Rhea. S'ya ang unang babaeng minahal ko. Pero dahil sa lalaking 'to nawala lahat sa akin. Nawala ang tiwala sa'kin ng pamilya ko pati si Rhea.
"Isipin mong mabuti Montefalco. ISIPIN MO!" Magkadikit ang kilay na sigaw ni Warren.
Napakahayop mo Dwayne Warren Hernandez.