Aubrey's POV
"Tita sigurado po ba kayo?" nag-aalinlangan kong tanong sa kanya. Kasulukuyan niya akong bitbit papasok ng girls' dressing room.
Grabe...
Parang kanina lang ine-emphasize pa sa akin ni Tita na FOR GIRLS ONLY ang pink na k'wartong ito.
"Ano ka ba. Ako na ang nagsabi. Trust me Aubrey." Nang makarating kami sa dressing room ay agad nilabas ni Tita ang damit na susuotin ko. It's a white off the shoulder dress. Floral ang pattern and of course, maganda ang tela.
"Tita hindi po ba pangit tingnan 'yon?" tanong ko habang abala ito sa paghahanap ng ipapares daw n'yang sapatos sa suot ko.
"Sa ganda mo Aubrey no one will think na lalaki ka. Besides trust me and the makeup artist we can make you bloom like a flower Aubrey," nakangiting sagot ni Tita Mar at saka inabot sakin ang isang white paper bag.
"Wear this aalis ako sandali. If you need help call me nasa labas lang ako," aniya bago ako iwan sa silid.
Seryoso ba silang ipapasuot nila sa'kin 'to?
Binuksan ko ang paper bag at saka pinagmasdan ang damit. It's pretty, I guess? Agad ko itong isinuot at saka humarap sa salamin.
Hmmm... it might be weird pakinggan but for some reason, I think Tita Mar was right. My body is petite and it's definitely not masculine at all.
Mukhang kaunting ayos lang ay matatago na ang p*********i ko. Sinuot ko ang white rubber shoes at saka ang necklace na may heart pendant.
"Ahh Tita?" naiilang kong tawag mula sa likod ng pinto ng dressing room. Maraming tao sa labas at nakakahiyang makita nila akong nakasuot pambabae. Nakangiti itong lumapit sa akin at pumasok sa loob ng silid.
"Wow! Aubrey you're looking cute," may bakas na paghanga na sabi ni Tita. Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya.
"But you know what? There's something missing. You need boobs," napangiwi ako sa sinabi ni Tita.
B-Boobs?
Like boobs? As in breasts?
Jusko.
Agad naghalungkat si Tita sa mga drawers ng cabinet at isang parang foam na shaped-like-bra ang nakita kong hawak n'ya.
"Turn around. Ilalagay ko sa 'yo 'to."
Ano ba 'tong pinasok ko...
—
Why do girls have to do these?
Iyan ang paulit-ulit na sigaw ko sa isipan ko habang inaayusan ako ng isang baklang makeup artist. Kung anu-ano ang malalagkit at malaharinang pulbos ang nilalagay n'ya sa mukha ko. Ito pala ang kailangang pagdaanan ng mga babaeng may pinanghahawakan na image.
Kailangan laging maganda sa harap ng maraming tao. Well I think girls enjoy na rin kasi ang pagma-makeup. Unlike me. I feel like a canvas right now.
"Alam mo bhe ang ganda mo," biglang sabi ng nagma-makeup sa'kin. If I'm not mistaken, her name is Betty.
"Salamat po," naiilang kong sagot. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Not bad. H'wag sana madungisan ang Sweetheart magazine sa gagawin kong pag-ngiti sa camera nang nakadamit pambabae.
"Hahaha! Mukhang pinilit ka lang ni Madam Mar, ah?" natatawang saad niya habang inaayos ang hair extensions sa ulo ko.
Gusto ko sanang itanong kung ito ba ang unang beses na nangyari 'to pero pinili ko na lang manahimik.
"We're done Aubrey! Ang ganda-ganda mo na." I looked at myself in the mirror and hindi ko mapigilang humanga. Damn... Sarap kong ligawan.
"Woahh Aubrey is that you?" nakangiti at 'di makapaniwalang bati sa akin ni Warren. Nahihiya akong tumango at saka kinamot ng bahagya ang ulo ko. Ang kati ng mga extensions na 'to!
"Hey chin up ano ka ba. Hahaha!"
Hindi nagtagal ay nagsimula na rin kami. 'Yung thought na after they took the pictures, ie-edit nila 'yon tapos ipa-publish tapos makikita ng maraming tao, parang gusto ko na lang magpakain sa lupa.
"Smile Aubrey." Nagising ako sa pagkakasabaw ko at agad na ngumiti sa camera. Ilang shots pa ang nangyari bago kami natapos. I thought ang pagiging model ay isang napakadaling trabaho lang.
Nakakangalay pa lang ngumiti. Ang sakit sa panga. Saludo na talaga ako do'n sa mga nagpa-picture sa mga camera noong 18th century na inaabot ng 15 minutes para sa isang shot. Hindi sila gagalaw ng gano'n katagal para sa isang picture lang.
"You did really good Aubrey. Maraming salamat talaga." Iyan ang sabi ni Tita matapos kong mag-ayos at linisin at tanggalin ang makeup sa mukha ko.
"You're welcome Tita." Nagpaalam na ako sa kanya at aalis na sana nang tawagin ako ni Warren.
"Wait! Sabay na tayo Aubrey." Mabilis siyang lumapit sa akin.
Masaya kaming nagkuwentuhan habang naglalakad. Medyo malayo ang bahay namin dito pero ayos lang at least makatitipid ako besides kasama ko naman si Warren kaya hindi ako mababagot.
Warren's POV
Masaya kaming nagku-kuwentuhan ni Aubrey nang mapadaan kami sa paborito kong kainan. Batangas Lomi. Hindi ito puno kaya masaya kong niyaya si Aubrey do'n.
"Aubrey treat kita!" Gulat siyang napatingin sa akin. Nagulat 'ata s'ya sa bigla kong pagsigaw. Hehe.
"Naku! Nakakahiya naman Warren salamat na lang," tanggi niya.
"Huwag ka na tumanggi diyan. Sige na. Paborito kong kainan 'yan at ngayon ko lang nakitang hindi mas'yadong puno kaya sumama ka na, masarap ang lomi nila," nakanguso kong pamimilit.
"Hmm... sige na nga," nakangiting pagpayag n'ya.
Pumasok kami sa lomihan. Lumapit ako kay Nanay Aya at saka sinabi ang order ko. Lagi na akong nandito kaya Nanay na ang sinabi n'yang itawag ko sa kanya.
"Oh Warren ikaw pala. Ano'ng order mo?" nakangiting sambit ng matanda. Sinuklian ko naman ito ng isang matamis na ngiti.
"May espesyal na tao po akong kasama Nay kaya Espesyal Lomi bowl ang order ko po," makahulugan kong sabi sa matanda na ikinangiti niya ng husto.
"Naku kang bata ka pumapag-ibig ka na. Oh s'ya sige hintayin n'yo na lang," kinikilig pa n'yang sabi. Napatawa na lang ako.
Bumalik ako sa upuan namin at nakita ko si Aubrey na malalim ang iniisip.
"Ako ba 'yan?"
Gulat siyang napabalikwas sa bigla kong pagsasalita.
"Huh?"
"Kung ako ba 'yang iniisip mo kako?"
Napasimangot naman siya at hinampas ako sa braso.
"Hindi, may iniisip lang ako."
"School related ba?" tanong ko. Biglang nabura ang ngiti sa mukha ni Aubrey. Parang biglang namutla ang mukha n'ya. May nasabi ba 'kong mali?
Tama ba ako?
"Okay ka lang?" Hinawakan ko ang kamay n'yang nakapatong sa lamesa.
"H-huh? Oo okay lang ako," pilit na ngiting sagot n'ya. May itatanong pa sana ko nang dumating ang order namin.
May problema 'ata si Aubrey.
Kailangan kong malaman 'yon.