Chapter 06

1210 Words
Aubrey's POV "Are you sure about this?" Hindi ko na mabilang ang mga katanungan na binabato ko kay Warren. Kinakabahan kasi ako. It's Saturday and ngayon ang usapan namin para sa aking first photoshoot. Lahat nang makikita mong model ay magaganda at g'wapo. Ano'ng dahilan at nandito ako? "Hey calm down. You're pretty, okay?" Agad akong napabusangot sa sinabi niya at saka akma s'yang hahambalusin nang may isang babae ang lumapit sa amin. Mukhang nasa mid 30's siya and she's holding a DSLR camera. She's staring at me. Medyo nahiya tuloy ako sa tingin na binibigay n'ya. "You're Aubrey?" she asked and I nodded. Biglang nawala ang seryoso nitong mukha at napalitan ng ngiti at paghanga sa mata. "You were right Warren. He's beautiful." Pakiramdam ko ay nasamid ako sa sarili kong laway sa sinabi ng babae. Medyo nakaiilang para sa isang lalaki na kagaya ko ang masabihan ng gano'n. "I told you Tita, he deserves it," ngiting asong sagot ni Warren. Bumalik ang tingin nang nakangiting babae sa akin. "My name is Mariella De Guzman. You can call me Tita Mar. I'm the founder of Sweetheart magazines." Inabot niya ang kamay ko at nakipagkamay naman ako dito. "I'm Aubrey Flores po," mahina kong pakilala at saka ngumiti ng bahagya. "Madali lang naman ang gagawin mo Aubrey. Isusuot mo lang 'yung mga damit na ipapasuot namin sa 'yo and then ngiti at pose lang sa camera," magiliw niyang paliwanag at saka ako inaya sa loob ng three story building. Pumasok kami sa isang k'warto at nakita ko ang mga babae at baklang busy sa pag-aayos sa mga pinaghalo-halong babae at lalaking models. "This is the makeup room. We have four makeup artists and they're Ana, Liza, Joana and Betty." Tinuturo ni Tita Mar ang mga binabanggit n'yang makeup artists. They waved at me at sinuklian ko naman sila ng ngiti. "This is the dressing room for GIRLS ONLY and the another dressing room for BOYS ONLY," she emphasizes. Napatingin naman ako sa mga k'wartong tinutukoy n'ya. Magkadikit lang ang dalawang k'warto pero hindi ka naman malilito dahil kulay pink ang dressing room ng mga babae at blue naman sa lalaki. "Here's the studio." Agad kong nakita ang napakagandang studio nila. Grabe lakas maka-artista. "Are you gay Aubrey?" Sunod-sunod akong umiling at saka naiilang na ngumiti. Ano ba namang tanong 'yan Tita. "H-Hindi po Tita Mar," namumula kong saad at saka ngumiti nang pilit. "Ah pasensya ka na. I was just curious lang. You look so feminine kasi." Bumalik si Warren dala ang dalawang malaking paper bags. Mukhang mga damit ang laman ng mga 'yon. Agad n'ya itong inabot kay Tita Mar. "Nagdala 'ko ng mga samples ng bagong labas na damit, Tita." Agad akong napatingin sa paper bag. Nilabas ni Tita ang mga damit at nakitang kong puro pambabae ito. Mga dresses at casual wear. Itsura pa lang mukhang mamahalin na. "Okay magsimula na tayo. Warren please escort Aubrey to the dressing room. Nasabi ko na naman sa 'yo siguro kanina 'yung susuotin ni Aubrey," she asked and left in a hurry. Niyaya agad ako ni Warren sa dressing room. It's big enough for ten people. Kung tutuusin napakalaki ng space na ito. The room is filled with hung clothes and mirrors. "Ito ang susuotin mo Aubrey. It's good for casual wear." He handed me the cloth and I scanned it. It's a hoodie but not just a simple hoodie. Itsura pa lang mukhang mamahalin na and kung hahawakan mo ang fabric. It's so soft. I glanced at Warren and he's already undressing. He will also wear a hoodie pero blue yung kanya. Tinanggal ko na ang suot kong white T-shirt at saka tumalikod sa kanya. Although pareho naman kaming lalaki I still find it awkward. I think I'm just more comfortable with Justin. Sunod kong hinubad ang pants ko at agad ko ring sinuot ang hoodie. It's paired with white tight jeans and a black rubber shoes. I looked at myself in the mirror and I sighed when I saw myself. It doesn't fit medyo maluwag s'ya. I saw Warren's reflection staring at me in the mirror. He's still half naked and kitang-kita ko na agad ang pinagpala n'yang katawan. "Seriously? Maluwag pa rin? Extra small na 'yan sa men size. You're so slim kasi eh," he slurs. I'm used of wearing oversized clothes naman pero imo-model ko 'to kaya it has to fit perfectly. "I told you Warren I'm n—" "Maluwag siya but it's cute. Uso naman 'yan ngayon," nakangiti n'yang putol sa'kin at ginulo ang buhok ko. Warren's POV He's so petite grabe. Extra small na 'yon pero maluwag pa rin. Hindi ako manyak, ah. But I find him attractive when he was wearing his clothes. He's not just pretty, he's also sexy. Hahaha! When we're done agad kaming pumunta sa makeup room. Simple lang naman ang makeup sa lalaki. Just emphasized some features of the face and done. I looked at Aubrey. Palinga-linga s'ya sa paligid na parang bata. Cute "Halika na kayo dito Warren para maayusan ko na kayo." I nodded at her and sabay kaming inayusan ni Aubrey sa makeup room. Ready na sana kami para lumabas at pumunta sa studio nang pagkabukas namin ng pinto ay worried na si Tita Mar ang nakita ko. Balisa si Tita at mukhang hindi alam ang gagawin. "What happened Tita?" I asked. Agad itong tumingin sa aming dalawa ni Aubrey. "Michelle's gone." Oh? Si Michelle? Isa s'ya sa parang main model dito. Bukod kasi sa akin, si Michelle ang isa pang laging cover page ng sweetheart magazine. "What do you mean gone, Tita?" "She quitted last week and kanina ko lang nalaman. Kaya pala hindi s'ya pumasok last Saturday sa set," nagtatampong saad ni Tita Mar. Well kawalan din ang babaeng 'yon. She's pretty and the readers like her kaya malaki ang possibility na bumaba ang sales namin kung mawawala s'ya. "Why did she leave? May problema ba?" sunod-sunod kong tanong. She sighed and answered. "May nagbigay sa kanya ng magandang offer abroad. She left for good." Bakas ang lungkot sa boses niya. Hindi lang maganda si Michelle. Close pa sila ni Tita Mar kaya hindi ito madali para sa kanya. Dahil sa isang iglap lang ay umalis na pala si Michelle nang wala s'yang kaalam-alam. "That's not just the problem Warren," nag-aalang sabi n'ya. "Bukas na ang deadline ng magazine natin this July and because she was not here last week, hindi tayo nakapagshoot sa girls' wear. I thought she was coming today kaya I let the other girl models leave already!" naghihisterikal na dagdag ni Tita. It's a big problem indeed. Napatingin ako kay Aubrey na mukhang kanina pa out of place sa 'min. "What are we going to do Tita?" tanong ko sa kanya. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. "We still have to edit and print. Late na late na tayo Warren hindi p'wedeng ipapabuka-—" Nagtaka ako nang biglang tumigil sa pagsasalita si Tita. Tumingin si Tita kay Aubrey at sunod sa akin. Tipid akong napangisi. "Aubrey, can you do me a favor?" nakangiting tanong ni Tita. "Anything Tita Mar. Ano po 'yon?" nakangiting ding sagot ni Aubrey. "Can you be the model for the girls' wear?" "P-Po?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD