Aubrey's POV Isa-isa ng nagpe-perform ang mga candidates. May mga sumasayaw at kumakanta. 'Yung iba naman nagpapatawa. Ayos lang naman daw magkaroon ng company sa talent portion. Kinakabahan lang ako kasi wala nga akong talent wala pa 'ata akong kasama. "Nasaan na 'yun." Bulong ko. Kanina pa umalis si Zain at hanggang ngayon 'di ay pa rin siya bumabalik. Nakakainis talaga 'yung lalaking 'yun! Kanina ko pa siya tinatawagan pero ayaw naman sagutin. Nagpresinta si Alex na hanapin si Zain. Huwag na daw ako maging gala at baka magulo ang ayos ko. Medyo marami na rin ang nakakapagperform. Minimum of five minutes ang bawat performance. "Hey! Ano'ng talent mo?" Sinundan ko ang pinagmulan ng boses at si Justin ang bumungad sa'kin. "Justin!" Masayang sabi ko. "Tulungan mo naman ako!" Na

