Aubrey's POV Nangyari na nga ang kinatatakutan ko. Lahat sila ay napasinghap sa ginawang rebelasyon ni Zain. Nagsimulang magbulungan ang mga estudyante. Si Principal George ay nanatiling tahimik ngunit alam kong deep inside ay gusto niya ng sumabog. "Zain ano ba 'to." Bulong ko sa kanya. "I'm proud of you." Tanging sinabi niya at saka ako hinila paalis ng stage. "What a surprising announcement. Uhmm up next!" Rinig kong sabi ni Kuya Aaron sa mic. Nagpadala na lang ako kay Zain. Hindi ko alam ang gagawin ko. Is he gone mad? "Nightgown ang sunod. Magpalit ka na." Sabi niya at iniwan ako kay Alex. "Aubrey..." Tawag sa'kin ni Alex. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Sige. Tatapusin ko lang ang gabing ito. Muli kong sinuot ang gown. Binalik ni Alex ang red lipstick ko. Hindi dapat a

