Aubrey's POV Sobrang awkward kagabi sa sasakyan ni Zain. Literal. Alam niyo ba yung feeling na kasama mo sa iisang sasakyan 'yung mga lalaking umaming gusto ka nila? Kahit tingin ko ay nagbibiro lang sila ay nakakailang pa rin. Payapa naman nila akong hinatid. Inaya ko silang pumasok kahit ang totoo ay ayaw ko naman talaga. Alam niyo naman nasa culture na nating nga pilipino ang pagiging hospitable. Mabuti na lang at tumanggi sila kasi hindi ko ma-picture ang magiging atmosphere if ever. Kinabukasan Nang matapos akong maghanda para sa school ay ni-lock ko na ang bahay. Kapag mga ganitong malapit ng magsembreak ay talagang lumuluwag ang schedule namin. Mga busy kasi ang mga guro. Sumakay ako ng tricycle papunta sa M.U. Four days pa bago ang sembreak. Hindi kagaya sa ibang school

