Aubrey's POV "Hindi ko 'ata kaya 'to Alex." Nahihiyang bulong ko. Nandito na kami sa Mapeh department kung saan magpra-practice ang mga kasali sa pageant. Mga nakaupo na sila sa mga benches na nagkalat sa gym. Mukhang maluwag sa loob nila ang pagsali sa pageant na 'to. Ako lang 'ata ang napilitan. Wala sa New year resolution ko ang magsuot ng pambabae sa harap ng maraming tao. "Ano ka ba! Ayos lang 'yan." Aniya at hinampas pa ako sa braso. Hinimas ko ang parte ng braso kong walang awa niyang hinampas. Napakagaan talaga ng kamay ng babaeng 'to. Hindi ko alam kung comfort ba ginagawa niya sakin o bugbog eh. "Aubrey?" Napatingin ako sa pinto at si Kuya Aaron ang nakita ko. Bahagya kong tinungo ang ulo ko bilang pagbati. "Bakit hindi ka pa pumapasok?" Tanong niya. Sumenyas sa'kin si

