Monique’s POV SABADO ng araw na iyon at kaninang umaga pa ako hindi mapakali. Parang feeling ko, may hindi magandang mangyayari. Kasama ko sa bahay si Tristan pero nasa kwarto siya at may tinatapos na trabaho. Lagi na lang siyang ganoon. Nagte-take home ng trabaho! Parang hindi ko naman alam na kaya niya ginagawa iyo ay para makaiwas. Kasama ko nga siya sa bahay pero parang mag-isa lang naman ako. Lahat naman ay ginagawa ko. Ipinagluluto ko pa siya ng masasarap na pagkain pero hindi naman niya iyon naa-appreciate! Kung hindi ko lang talaga siya mahal, matagal ko na siyang iniwan. Pero okay lang, dala-dala ko naman ang anak niya at wala siyang choice kundi ang pakisamahan ako. Takot din naman siya na ilaglag ko ang anak niya, e. Excited na ako sa paglabas ng baby namin ni Tristan. Siyempr

