Agnes’ POV BINUKSAN na ni Ralph ang pinto ng kotse niya pero bigla akong nagkaroon ng pag-aalinlangan na pumasok. Hindi pa man ako sigurado kung magkasabwat nga sila ni Monique pero paano kung tama ang hinala namin ni Lulu. Maling sumama ako sa kaniya tapos kaming dalawa lang. Sa sobrang kadesperadahan ni Monique na mawala ako sa buhay ni Tristan ay hindi ko na alam kung ano ba ang kaya niyang gawin. “Pasok ka na? Something’s wrong?” kunot-noo niyang untag sa akin. Napatingin ako kay Ralph. “Ah, ano kasi… may kailangan pala akong tawagan, Ralph. I’m sorry pero I have to go,” sabi ko. “Pero, Agnes--” “Bye, Ralph!” At tuluyan na akong lumayo sa kaniya. Malalaki ang mga hakbang ko dahil panay ang tawag niya sa pangalan ko. Nagkunwari na lang akong hindi siya naririnig. Wala naman akong

