Agnes’ POV “WALA na kayong dapat na ipag-alala dahil ligtas naman ang baby. Stressed lang siya kaya dinugo. Pwede na siyang makauwi ngayon kapag nagising na siya. Basta dapat ay makapagpahinga siya ng maayos sa bahay. Okay? Excuse me. I have to go. Maiwan ko muna kayo,” ani ng doktor na siyang tumingin kay Monique nang dalhin ko siya sa ospital dahil dinugo siya. Doon lang ako nakahinga nang maluwag nang malaman kong ligtas ang baby. Oo, galit ako kay Monique pero hindi ko naman kayang idamay sa galit ko ang inosenteng bata na nasa sinapupunan niya. Isa pa, anak pa din naman iyon ni Tristan. May mga pagkakataon lang talaga na hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko at napapatulan ko si Monique kahit alam kong buntis siya. Sa sinabi ng doktor sa akin ay nalaman ko na hindi naman pala di

