Monique’s POV “TALAGA po, doc? Naku, thank you po talaga! Thank you! Bukas na bukas din ay pupunta ako diyan sa ospital. Opo. Salamat po. Bye!” Pagkatapos kong maligo ay tumawag iyong doktor ng kapatid ako. Ang sabi niya ay naging matagumpay ang operasyon ni Mon-mon. Nasa recovery room na raw ito ngayon at nagpapagaling na. Salamat naman sa Diyos! Sa ngayon ay nasa kwarto na ako nina Agnes at Tristan habang silang dalawa naman ay nasa labas. Naliligo na rin yata si Tristan. Si Agnes, hindi ko alam. Isinantabi ko muna ang sayang nararamdaman ko sa successful na operasyon ni Mon-mon. Mag-co-concentrate muna ako gagawin namin mamaya ni Tristan. Ang gusto kong mangyari mamaya ay pagselosin si Agnes. Oo, alam kong magseselos talaga siya pero gusto ko 'yong selos na sagad. 'Yong todo. 'Yong

