Agnes’ POV NASA kwarto na kaming tatlo. Ako, si Tristan at si Monique. Nakaupo lang ako sa isang upuan na katabi ng kama habang ang dalawang kasama ko ay nakaupo sa gilid ng kama. Magkatabi at hindi sila nag-iimikan. Dama ko ang pagkailang nilang dalawa. Mali yata na nandito ako. Baka hindi sila makapagtalik ng maayos dahil sa akin. May isang bote ng alak at baso sa gilid ko na nakapatong sa side table. Ewan ko, kinuha ko na lang iyon. “Gusto niyo bang lumabas na lang ako?” Ako na ang bumasag sa nakakabinging katahimikan. “'Wag na!” Mabilis na sagot ni Monique. “ Ang ibig kong sabihin, mas maganda na makita mo na s*x lang talaga ang ginagawa namin ni Tristan at wala nang iba.” “Kung ganoon, pwede na kayong magsimula.” Tumingin pa sa akin si Tristan na para bang ayaw na niya iyong gaw

