Chapter Twenty Four

1869 Words

Agnes’ POV NANINGKIT ang mga mata ko sa mga sinabi ni Monique. Gusto kong isipin na nagbibiro lang siya pero hindi, e. Seryoso siya, alam ko. At talagang proud pa siya sa mga sinasabi niya na parang siya ang tama. “Hindi mo naman kasi mabigyan ng anak ang asawa mo kaya ako na lang ang papalit sa iyo!” mataray pa niyang sabi. Mabilis na kumulo ang dugo ko sa sinabi niyang iyon. Lumipad ang kamay ko at tumama iyon sa pisngi niya. Tigalgal si Monique sa pagsampal ko sa kaniya. “Hayop ka! Hindi ko alam na nagpatuloy pala ako ng ahas sa bahay ko! Hinding-hindi mo maaagaw sa akin si Tristan! Kaibigan mo ako, Monique! Hindi mo dapat ito ginagawa sa akin!” gigil kong sabi sa kaniya na may kasama pang pagduro. Bumilis ang t***k ng puso ko sa labis na tensiyon na nararamdaman ko. Itinuring ko si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD