Agnes’ POV MATAPOS magluto ni Monique ay umalis na rin siya sa bahay upang magkaroon kami ni Tristan ng moment na kaming dalawa lang. Sobrang swerte ko talaga na nagkaroon ako ng kaibigan na katulad ni Monique na napagsasabihan ko ng lahat ng problema ko. Hindi lang iyon, naaasahan ko pa siya sa mga sitwasyong katulad nito. Halos isang taon na rin ang pagkakaibigan namin at nararamdaman ko naman na totoo siya sa akin at ganoon din naman ako sa kaniya. Dinner by candle light. Napaka romantic ng gabing ito namin ni Tristan. Tahimik lang kaming kumakain. Hindi na rin kasi ako nasanay na maunang magsalita dahil madalas ay hindi naman sumasagot si Tristan. Alam ko naman na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap na hindi siya magkakaroon ng anak sa akin. “This is good…” Napahinto ako

