Agnes’ POV HINDI agad ako nakapagsalita sa sinabing iyon ni Tristan. Oo, hindi ako bingi at malinaw kong narinig ang sinabi niyang para magkaroon kami ng anak ay makikipag-s*x siya sa ibang babae. Parang hindi kayang i-proseso ng utak ko ang sinabing iyon ni Tristan. Pilit akong ngumiti. “A-ano ba namang klaseng biro iyon, Tristan?” Iyon na lang ang inisip ko-- nagbibiro lang siya. Sino ba namang matinong asawa ang sasabihin sa asawa nito na m************k ito sa iba. Wala. “Seryoso ako, Agnes. Iyon na lang ang paraan na naiisip ko. Hindi natin pwedeng gawin ang option na ibinigay sa atin ng doktor dahil hindi na kaya ng matris mo ang magdala ng bata. Hindi rin kaya ng pera natin ang test tube baby dahil masyadong mahal!” Hinawakan niya ako sa dalawang kamay at pinisil iyon habang nakat

