SOFIA
Habang inaayos ko yung mga notebook na pinasa ng mga bata nang may kumatok sa pintuan dahilan para matigilan ako at tumingin sa gawing iyon.
Ngumiti naman ako. "Napagawi ka yata dito Ms. Hannah?" Nagtatakang tanong ko.
Si Hannah ay co-teacher din dito sa school kung saan ako nagtuturo atsaka isa siya sa mga maituturi kong kaibigan. Matalik na kaibigan.
"Wala naman, naisipan ko lang na imbitahan ka sa bahay dahil may konting pagsasalo lang." Sagot nito.
"Hmm.. Hindi kaya nakakahiya?" Alanganin na tanong ko.
"Ano ka ba naman. Bakit ka mahihiya? Saka kaibigan kita, nandito ako kaya wag kang mahihiya." Sabi nito.
Asus. Ito talagang babaitang ito. Pshhh. Palibhasa makulit to, hindi nagpapatalo. "Oo na sige. Mukhang ayaw mong magpatalo ee." Pagsuko ko sakanya, tumawa naman ito dahil sa narinig niya.
"Yes. Aasahan ko yan. Gusto mo bang itulak ko yung wheel chair mo?"
"Huwag na, kaya ko naman ee."
"Okay sige, Hintayin kita sa parking lot okay? Susunduin tayo ni kuya." Nakangiting sabi nito bago magpaalam.
Matapos kong ayusin yung mga notebook. Kinuha ko kaagad yung slingbag ko saka nilock yung pintuan ng classroom. Hindi naman kasi kataasan yung lock ng pintuan. Isa akong advicer ng pre-elem.
Tinulak ko na yung wheel chair ko papuntang parking lot at pagkarating ko dun nandon na si hannah at may kasama siya na katangkaran na lalake, yung kuya niya sa unang tingin ko sakanya para siyang seryoso sa buhay at may pagkakahawig sila si hannah. Siguro ay ito yung sinasabi niya na kuya. Tuwing pumupunta kasi ako sa bahay nila wala yung kuya niya.
"Nandito na pala siya." Sabi ni hannah.
Nang makalapit ako sakanila ngumiti si hannah siya na yung nagtulak ng wheel chair ko. Susungitan ko sana kaso parang nakakahiya dahil may kasama ito. "Kuya, si sofia calderon co-teacher ko at the same time bestfriend ko. Sophia, si kuya jacob twin brother ko." Pagpapakilala nito. Matagal ko na siyang kilala pero ako hindi niya ako kilala.
Tumingin ako sa katabi ni hannah na nagngangalang 'jacob' na twin brother daw niya. Kaya pala magkamukha sila.
"Sofia Calderon. Nice to meet you." Sabi ko sabay lahad ng kamay ko baka sabihin pa niya bastos akong tao.
Tumingin lang ito ng seryoso. "Jacob Eli. Same here." Simpleng sagot nito at tinanggap ang yung kamay ko.
Mabilis ko din inalis yung kamay ko dahil may naramdaman ako na parang kuryente.
Tumungin ako sakanya na ngayon ay nakatingin din sakin. Ngumiti lang ako ng tipid bago tumingin kay hannah.
"Kuya pwede mo bang buhatin si hannah?" Tanong ni Hannah. Tumango naman ito saka niya ako nilapitan at binuhat niya ako saka sinakay sa back seat. Nilagay naman ni hannah yung wheel chair sa compartment.
Habang nasa byahe kami biglang tumunog yung phone ko. Pagkatingin ko sa caller biglang nag iba yung mood ko.
"Anak.." Sabi nito sa kabilang linya.
"Napatawag po kayo?" Malamig na tanong ko.
"Uuwi ka ba? Gusto mong ipagluto kita?" Tanong ni mama.
Hindi ko alam kung bakit kahit ganito ako ang bait parin sakin ni mama.
"Opo uuwi ako, pero siguro late na. Saka wag na po kayong magluto." Sabi ko.
Ayoko lang na kaawaan nila ako kaya iba yung trato ko minsan. Kung bakit iba ang trato ko sakanila, saka kinontrol ni papa at lola yung buhay ko noon. Hindi ko naman sinasadya na pati si mama madamay sa pagiging ganito ko.
"Ganon ba. Osige. Ingat ka anak." Malungkot na sabi nito bago binaba yung tawag.
Napabugtong hininga naman ako. Sorry mama. Tinatry ko naman maging maayos yung trato sa parents ko, lalo na kay mama pero hindi ko maiwasan na maging cold pero buti na lang hindi umuuwi sa bahay si papa minsan.
"Sophia.." Tawag pansin ni hannah.
Napatingin ako kay hannah. "That issue again?" Tanong nito.
"Yeah. Hindi naman nagbago ee." Mapait na sabi ko.
Tumahimik na lang ito, pero pakiramdam ko may nakatingin sakin kaya tumingin ako at sinalubong yung titig niya. Nakatitig siya na parang may pinapahiwatig kaya umiwas na lang ako ng tingin. Iba yung meaning ng titig ni jacob. Ewan ko ba, mahirap ipaliwanag yung pahiwatig na yun.