CHAPTER 2

577 Words
Pagkarating namin sa harapan ng bahay nila bumaba kaagad si hannah at kinuha yung wheel chair sa compartment habang si jacob pumunta sa gawi ko at binuhat ako saka inupo sa wheel chair ko. Habang tulak-tulak ako ni hannah tumingala ako sakanya. "Nakakahiya, dapat hindi na ako sumama." Sabi ko sakanya. "Ano ka ba naman, huwag kang mahiya. Alam mo naman na parang kapatid na kita." Sabi nito. Pumasok na kami, napansin ko kaagad yung mommy ni hannah na nakikipagtawanan sa daddy niya. "Mommy." Tawag pansin ni hannah. Lumingon naman sila dito sa gawi namin at napangiti siya. "Sofia buti pumunta ka." Masayang bati ni tita aria. "Dapat nga po hindi ako pupunta ee, kaso pinilit po ako ni hannah." Pabiro na sabi ko. Napasimangot naman ito. "Buti nga sinama ka niya, kundi magtatampo ako sayo." Sabi nito dahilan para mapangiti ako. "Osige na tara na punta na tayo sa dinning room." Pag-aaya nito. Sumunod naman kami at pumunta sa dinning room. Umupo na rin kami at pinangkuha kami ni tita ng pagkain. Sakto naman pumasok na si jacob dito sa dinning room dahilan para magtama yung mata namin. Kaagad naman akong nag-iwas. Hindi ko alam pero, ayoko ng magtama yung mata namin. Iba kasi yung tingin ee. Lumapit naman si hannah dahilan para magulat ako. "Masanay ka na kay kuya, ganyan talaga siya kung makatingin. Seryosong tao yan ee." Bulong nito. "Pansin ko nga ee, halata masyado."Sagot ko. Lumapit ito hanggang sa makaupo ito sa tabi ko. Naiilang talaga ako, lalo na katabi ko siya. Shemay talaga. Nag-umpisa na akong kumain hanggang sumagi sa isip ko kung bakit nga pala ako inimbita ni hannah dito. "Hmmm. Tita.." Tawag pansin ko. "Hmmm?" "Ano po palang meron? Bakit niyo po ako inimbita?" Nagtatakang tanong ko. "Nasa top 5 na kasi ngayon si Aaren kaya pinaghanda namin siya." Nakangiting sagot nito. Kaya naman pala. Napatango na lang ako. Tahimik lang ako hanggang matapos yung dinner. Tinahak ko yung sala dun sa sofa kung saan nakalagay yung bag ko saka ko kinuha yung bagay na kailangan ko at patagong nilagay sa bulsa. Kailangan ko lang talaga. Lumapit ako kay hannah na kasalukuyan nakikipag-usap sa magulang niya pati na rin yung mga kapatid niya. "Hannah. Lalabas lang ako aa." Pagpapaalam ko. "Saan ka pupunta hannah?" Nagtatakang tanong nito dahilan para mapatingin sina tita sakin. "Hmmm.. Dyan lang sa labas." Sabi ko. "Osige. Balik ka kaagad aa." Sabi nito, tumango naman ako bilang sagot saka dali-daling lumabas ng bahay. Lumingon muna ako baka may sumunod saka pumunta sa garden nila. Pumwesto ako sa may malapit sa puno saka nilabas yung tinago ko kanina. Kumuha ako ng isang stick ng sigarilyo bago sinindihan. Naninigarilyo lang ako pag nastress ako minsan, nuong high school ako natutunan kong manigarilyo dahil na rin siguro sa mga problema ko sa buhay. Baka mabawasan. Nakakalahati ko na yung sigarilyo ng may nagsalita sa likoran ko, dahilan para magulat ako. "Ganyan na pala yung mga babae ngayon, may bisyo na." Sabi nito. Napatawa naman ako ng mapakla. "Ano naman ngayon sayo?" Malamig na tanong ko. "Nothing, I didn't know na isang kagaya mo marunong manigarilyo." Sabi nito. Lumapit siya sakin saka inagaw yung sigarilyo at hinalikan ako sa labi dahilan para matigilan ako. "Bakit mo yun ginawa?" Nagtatakang tanong ko. "Nothing." Tipid na sagot nito bago umalis. Nakatingin lang ako sakanya habang papalayo ito. Ang labo niya. Sumunod ako sakanya. Sana nga lang kalimutan na niya yung nakita niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD