CHAPTER 3

884 Words
Jacob's POV Hindi ko alam na naninigarilyo pala siya. Pansin ko ang dami niyang bisyo. Not totally na madami talaga. Alam ko na umiinom lang siya noon pero hindi naninigarilyo. Matagal ko na siyang nakikita noon pa man dahil nakikita ko siya dito sa subdivision siguro may kaibigan siya dito at kaibigan din siya ng kambal ko. Yung kanina sa parking lot ng school yun ang unang ipinakilala ako ni hannah dun sa kaibigan niya pero matagal ko na talaga siyang kilala dahil tinanong ko noon sa kapatid ko kung anong pangalan niya pero may halong tukso. Naalala ko nga noong nila mom. Yung nakakalokong ngiti ni hannah. * FLASH BACK * "Alam ko na gagawin din ni kuya yan sa oras na mag-asawa siya." Biro na sabi ni hannah. Hindi ko inaasahan na gagawin iyon ni dad na magsasalita sa maraming tao para lang kay mom. I admire my dad for loving my mom. Kung sakali man na siya nga talaga i like the story of my mom and my dad, pero hindi yung naghiwalay sila. "That will never happen, may anak na ako." Masungit na sabi ko, dahilan para mapatawa sila ni Aaren. "Asus. I know you kuya kahit hindi mo sabihin may gusto ka kay Ms. Cal---." Sinamaan ko siya ng tingin dahilan para mapatigil siya. "Shut the hell up Hannah!" Sabi ko, pero tumawa lang siya. Baka pag hindi siya tumigil mapikon ako bigla. * END OF FLASHBACK * Tuwing naalala ko yun, nahihiya ako kasi hindi ko pa noon maamin. Gumawa na ako ng first move kaninang nakita ko siya. She's Perfect. Papasok na sana ako ng may pumigil sa braso ko dahilan para mapatingin ako sa taong nanghila ng braso ko. "Bakit mo ba talaga ginawa yun? Ano bang gusto mong mangyare?" Tanong nito. "Nothing. Gusto ko lang maging close sayo." Simpleng sagot ko. "Meron bang ganon? Makikipagclose pero may halik?" Sarkastiko na sabi nito. "Yes. More than." Tipid na sabi ko saka siya iniwan. SOFIA Ang labo talaga nun. Kainis siya! Hindi niya ba alam na iba yung epekto na ginawa niya sakin? I admit gwapo naman talaga siya at inaamin ko yun. Hindi yata ako makamove-on sa ginawa niya. Siya lang yung gumawa nun sakin at first kiss ko yun. Papasok na sana ako ng may narinig ko yung boses ni hannah, tumingin ako sakanya at may kausap itong batang lalake. "Dapat baby bumalik ka na sa kwarto mo." Sabi nito. Lumapit ako sakanila, lumapit ako sa batang lalake saka siya hinaplos sa buhok dahilan para mapatingin siya pati na din si hannah na tila parang gulat na gulat nung makita ako. "S–sofia. Anong ginagawa mo dito?" "Wala naman, narinig ko kasi yung boses mo kaya lumapit ako. Kaninong anak to?" Turo ko dun sa bata. "Anak ni kuya." Sagot nito. M–may anak na pala siya. "Eh, nasaan yung mommy niya?" Nagtatakang tanong ko. Lumapit si hannah at ibinulong. "Namatay yung mommy niya nung baby pa siya dahil may cancer sa dugo." Sabi nito kaya napatango na lang ako. Tumingin ako dun sa bata ay nakatingin din siya sakin. "Bakit nakawheelchair po kayo?" Nagtatakang tanong nito. "Naparalyze yung mga paa ko." Sagot ko habang hinahaplos yung buhok niya na sobrang bagsak. "Gusto mong kumandong sakin baby?" "Pwede po ba?" Tanong nito. Tumango ako. Dahan-dahan ko siyang binuhat saka pinaupo sa hita ko. "Kumapit ka baby okay?" Tumango ito. "Ano palang pangalan mo baby?" "Jaden Walton po." Sabi nito. Habang tulak-tulak ko yung wheelchair ko nakaupo si Jaden sa hita ko. "Pwede mo akong tawagin Ate Sofia." Sabi ko. "Osige po." Nakangiting sabi nito. Siguro nasa 4 na gulang na siya. Magsasalita pa sana ako ng marinig ko yung boses ni jacob na parang galit. "Jaden!" Napatingin kami sakanya na ngayon ay papalapit na samin. "A–ate." Kinakabahan na tawag nito. Nang makalapit na siya sobrang iba yung expression niya. "Diba sabi ko sa taas ka lang? Anong ginagawa mo dito?!" Yumuko si Jaden dahil sa narinig niya. "Hindi mo naman kailangan ganyanin yung anak mo." Mahinahon na sabi ko sakanya. "P–paano mo nalaman na anak ko siya?" Nagtatakang tanong nito. "Hannah told me." Tipid na sagot ko. Hindi ito nakasagot kaya pipigilan ko sana siya sa paghila kay jaden ng mapasama ako sa paghila kay jaden dahilan para mahulog ako sa wheelchair ko. Napadaing ako ng tumama ako sa sahig. Tinignan ko si jaden na ngayon ay tumayo dahil nadaganan ko siya. "Sorry jaden." Paumanhin ko. Dahan-dahan akong umupo saka tumingin kay jacob na ngayon ay nakatingin sakin pero lumambot yung expression niya. "Okay lang po ate, okay lang po ba kayo?" Nag-aalalang tanong ni jaden. "Okay lang ako jaden." Sabi ko saka ngumiti sakanya. "Jaden, bumalik ka na sa kwarto mo." Maotoridad na utos ni jacob. "Pero dad." "Jaden. Isa! Pag hindi ka bumalik sa kwarto mo." Utos nito. Tumingin si jaden sakin na sobrang lungkot ng mata niya. "Bye po ate." Malungkot na paalam nito saka umakyat. Nalulungkot ako para kay jaden, ginaganon siya ni jacob. Napabugtong hinginga na lang ako saka dahan-dahan hinawakan yung wheelchair pero naramdaman ko na lang na may humila sa bewang ko saka niya ako pinaharap sakanya. "B–bakit?" Nauutal na tanong ko dahil naduduling ako sakanya dahil sobrang lapit niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD