CHAPTER 4

749 Words
Hinila niya ako patayo at dahan-dahan pinaupo sa wheel chair ko. Nakatingin lang ako sakanya hanggang matapos siya. Hindi siya nagsalita pero nakatingin lang siya sakin. "Bakit kailangan mo pang biglain ng ganon si jaden?" Nagtatakang tanong ko. Concern din naman ako sa bata. "Ayoko siyang pinapalabas ng kwarto niya." Sagot nito. Baliw ba siya? Paano maeenjoy ni jaden kung pinagbabawalan niya na lumabas man lang. "Bakit hindi mo na lang siya hayaan? Kawawa naman yung anak mo dahil sa pinagbabawalan mo." "Wala kang karapatan na pakialaman yung gusto kong gawin sa anak ko. Kaibigan ka lang ni hannah at hindi ka ina ni Jaden." Inis na sabi niya. Bigla tuloy akong napatahimik sa sinabi niya. Sabagay tama naman siya. Wala akong karapatan. "Pasensiya na sa pakikialam ko." Sabi ko sakanya bago ko siya iniwan. Pinuntahan ko si hannah sa may kusina kasama si tita aria at tito eli. "Hannah pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ko. Tumingin sila sakin. Si hannah naman lumapit sakin at siya na yung nagtulak ng wheel chair ko. Nang makalabas kami pumunta kami sa garden. "Anong gusto mong pag-usapan fia?" Tanong ni hannah. "Tungkol kay jaden. Concern lang ako sa bata." Sagot ko. Tumango siya. "Gusto ko lang sanang malaman kung nag-aarap na si jaden?" Curious na tanong ko. "Oo grade 1 na siya. Ang kaso nga lang home school siya." "Ayaw ba ni jacob na mag-aral si jaden sa Howei Academy?" Umiling siya. "Ayaw niya, alam mo naman ayaw niya na malaman ng iba na may anak siya. Hindi na ako magtataka kung bakit ang layo ng loob ni jaden kay kuya." Kwento niya. Ang higpit naman ni jacob sa anak niya. Naawa tuloy ako kay jaden. "Ganon ba? Pwede mo naman siguro siyang ilabas diba? Pwede mo naman sigurong ienrolled si jaden sa school natin nang hindi alam ni jacob." Tumango siya. "Oo bakit fia?" Ngumiti ako sakanya. "Gusto ko sana siyang turuan kahit na home school lang siya." Suggest ko. "Okay yan. Dadalhin ko nanlang siya sa Howei Academy, pero paano naman pag sabado o linggo?" "Pwede niyo naman akong dalawin sa hospital ni Evan tapos ipapasyal natin siya." Nakangiting sabi ko sakanya "So ibig mong sabihin itutuloy mo na?" Tumango ako. "Oo para naman hindi na kayo mahirapan sakin." Nakangiti pa din na sabi ko sakanya. "Pupuntahan ka namin bukas ni jaden." Sabi niya bago tumayo. Ngumiti siya. "Maganda yan para sayo fia. Try nga natin na tumayo ka." Pumayag naman ako at dahan-dahan tumayo. Sinubukan kong humakbang, nakakailan palang ako hanggang sa natumba ako at nagkasugat sa tuhod at siko. Tinulungan ako ni hannah na tumayo at inalalayan makaupo sa wheel chair ko. "Sorry. Nagkasugat ka pa." Paumanhin niya. "Ano ka ba okay lang yun." Sabi ko. Pumasok kami tapos kinuha ni hannah yung first aid kit, ginamot niya yung mga sugat ko. "Okay na yan hannah. Kailangan ko ja din umuwi." Sabi ko. "Ganon ba. Ihahatid na kita." Sabi nito. "Huwag na. Apat na bahay lang nandon na ako." Umiling ito. "Hindi. Tara na." Sabi niya at itinulak niya ako. Pagkalabas namin ng gate may biglang lumitaw na lalake. Pamiliar siya. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni hannah habang tulak-tulak niya ako. Tahimik lang ako habang nakikinig sakanila. "Sorry na honey, bati na tayo please." Pagmamakaawa nung lalake. Hindi siya pinansin ni hannah at nang nasa tapat na ako ng bahay ngumiti ako sakanya. "Salamat hannah. Ingat." "Alis na ako fia." Paalam niyo, pero nagulat ako ng biglang buhatin ng parang sako si hannah. "Ano ba george! Ibaba mo nga ako!" Sigaw ni hannah. "Hindi, saka huwag ka nganh maingay." Sabi ni george at ipinalo pa yung pwet ni hannah. Napailing na lang ako saka pumasok ng bahay. Nadatnan ko si mama na nakaupo sa sala. Nakapikit siya, bakas din sa mukha niya na sobrang pagod. Lumapit ako sakanya, tinapik ko siya ng mahina sa pisngi. "Ma, umakyat na po kayo at magpahinga." Sabi ko. Kahit na ganon ako sakanila ni mama concern pa din ako sakanila lalo na kay mama. Hindi ko siya pwedeng hayaan. Nagmulat siya ng mata at ngumit sakin. "Nandyan ka na pala anak." "Opo ma. Umakyat na po kayo." Nakangiting lang ako ng tipid sakanya. Pumayag naman siya. Pumasok na ako sa kwarto ko at dahan-dahan na tumayo saka humiga sa kama ko. Sobrang pagod na ako. JACOB Nakatingin lang ako kay sofia kanina, kung paano siya natumba at ginamot ni hannah kanina. Hindi ko. . Hindi ko sinasadya yung sinabi ko sakanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD