Nang makarating kami sa mismong bahay nila pumasok na kami.
Sumakto naman na nandon silang lahat. Nakipagbeso pa ako kina tita aria at tito eli.
Nandon din si Aaren, hannah, at jacob. Inilagay ko sa harapan nila yung jollibee na ibinili ko para din sakanila.
"Ano to ate?" Tanong ni Aaren.
"Dadalhin ko na si Rancey sa jollibee." Pabulong na sabi ni aaren pero narinig pa din namin.
"Landon Aaren." Babala na tawag ni tita.
"Ano ma?" Painosente na tanong ni aaren.
"Bata ka pa." sabi ni tita.
"Mama naman. Malapit na akong magcollege binababy mo pa din ako." Nakangusong sabi ni aaren.
Natawa kami dahil sa sinabi niya. "Baby pa din naman kita kahit magkagirlfriend o mag-asawa ka pa."
"Don't mind your mama, aaren." Pasingit na sabi ni tito.
Nakita ko kung paano tumingin ng masama si tita kay tito. "Sulsolero ka pa ee. Mana yata sayo sina jacob at aaren maliban kay hannah."
"Syempre anak ko sila." Bulong na sagot ni tito. Natawa na lang kami dahil piningot ni tita yung tenga ni tito.
"Jollibee yan, doon kami kumain ni jaden kasi yung isa dyan hindi kami pinayagan." Pagpaparinig ko at ngayon lang ako singit dahil sa asaran nila.
"Pinaparinggan mo ba ako?" Singit ni jacob.
Tumingin ako sakanya saka ngumisi. "Bakit natamaan ka ba?" Asar na tanong ko sakanya.
"Kayo talagang dalawa oh. Kain na tayo matagal na din akong hindi nakakain ng jollibee." Sabi ni tita aria.
Lumapit si jaden sa daddy niya at hinalikan ito sa pisngi. "Mama, tara doon po tayo sa kwarto ko. Nood po tayo ng Spongebob." Sabi nito.
Tumingin ako sakanila. "Sa taas lang po kami tita." Paalam ko bago ako hinila ni jaden papunta sa kwarto niya.
Pagkapasok namin yung kwarto niya yung buong wall ay panda. Ang cute tuloy tignan ng kwarto niya.
Lumapit siya sa tv saka binuksan. Humiga siya sa kama at tumingin sakin. "Dito po mama. Higa din po kayo." Sabi nito.
Sumunod ako sakanya. Tinanggal ko muna yung heels na suot ko bago humiga sa tabi niya. Nanonood lang kami hanggang sa maramdaman ko na bumibigat yung talukip ng mata ko.
Naramdaman ko na lang na may humalik sa noo ko. "Pahinga po muna kayo mama. Gigisingin ko na lang po kayo o pupuntahan ko po sina lola at lolo edward para dito po kayo matulog." Bulong na sabi nito hanggang makatulog ako.
Jacob's POV
Nang makaakyat sila tinignan nila ako ng makahulugan.
"What?" Nagtatakang tanong ko.
"May bago na palang mama si jaden ee." Nakangiting sabi ni mom.
"Mukhang may future na si jaden bilang mama." Gantong ni aaren.
"Ewan ko sainyo." Sabi ko bago ipinagpatuloy yung kinakain ko.
"May hindi lang sinasabi ni jacob." Asar ni dad.
"Knowing kuya. Nahihiya lang yan." Singit ni hannah.
Tinignan ko sila ng masama. "Wala akong tinatago." Giit na sabi ko.
Natawa silang apat. "Okay sabi mo eh." Maloko na sabi ni dad.
Napansin na lang namin na bumaba si jaden pero nakapambahay na siya.
Lalabas na sana siya ng pinigilan ko siya sa tanong ko. "Where are you going jaden?" Seryosong tanong ko.
Tumingin siya samin at biglang humawak sa dulo ng damit niya, alam na alam mo na nahihiya siya. "Ahmm. Dad."
"Spill it jaden."
"Ahmmm. Pupuntahan ko po sana sina lola cedess." Alanganin na sabi niya.
"Sinong lola cedess?" Tanong ko.
"Mama po ni mama sofia." Sagot niya.
"Anong gagawin mo doon apo?" Singit ni dad.
"Ahmm. Ipapagpaalam ko po sana si mama kung pwede siyang matulog dito. She's sleeping now papa." Sagot pa din ni jaden.
Natigilan ako. Mukhang napagod siya dahil siguro sa buong araw siya sa school at kumain pa sila sa labas ng anak ko. "Okay. Be right back okay jaden?" Mahinahon na sabi ko.
"Yes dad. Thank you." Sabi nito bago tumakbo.
"May lola at lolo na din pala si jaden." Nakangiting sabi ni mommy.
Tumingin sakin si dad. "I like sofia for you and for your son. I know sofia will be good mother to your son."
"Kahit ako gusto ko si sofia para sayo noon pa man para sayo pero nung time na yun buhay pa si Christina. Kahit ngayon na man gusto ko pa din si sofia para sayo." Sabi nito.
Tahimik lang akong nakinig sakanila. I know mom and dad, naghihintay pa ako para sa timming.