CHAPTER 10

584 Words
Pagkarating ko sa counter pumila kaagad ako. Nang ako na ngumiti ako doon sa babae. "Can i take your order ma'am?" Tumingin ako sa mga pagpipilinan. "Isang spaghetti, 1 piece chicken joy, 2 sundae, 2 yum burger, and also 2 large fries." "Sa drinks po ma'am?" "Coke will be fine." Nakangiting sabi ko sakanya. "Okay ma'am. Ipapahatid ko na lang po dahil medyo madami din po pala." Nakangiting sabi nung babae. "Pwede ba ulit magorder? For take out?" "Yes ma'am pwede." Nakangiting sabi nito. "Okay. Ganon na din sa mga inorder ko dagdagan na lang nang 6 para sa mga naorder ko at 2 backet of chicken din pala para sa take out." "Osige po ma'am." Sabi nito. Binayaran ko na lahat bago lumapit sa pwesto namin ni jaden. Ilan minuto din bago dumating yung mga naorder namin at nandon ba din yung mga ibang naorder ko para sa take out. "Spaghetti yung naorder ko para sayo." Sabi ko. "Okay lang po mama. Mukhang masarap." Nakangiting sabi nito at inumpisahan nang kumain kaya kumain na din ako. Habang kumakain ako bigla siya nagsalita. "'Mama. Patry nga po nyang kinakain niyo." Napangiti tuloy ako. Nagkamay na lang ako saka itinapat sa bibig niya yung chicken na may kanin. Tinanggap naman niya. "Sarap po mama. Masusunod po sana ulit to, pero promise mama maghihingi na ako nang pera baka po maubusan kayo ng pera dahil sakin." Sabi niya habang kumakain. Napatawa ako dahil sa sinabi niya. "Kahit wag na baby. Basta makasama kita okay na. Susunod McDo naman yung pupuntahan natin." Sabi ko. Umiling siya. "Hindi po mama. Hihingi na po ako nang pera sa susunod." Sabi niya. Hindi na ako nakipagtalo sakanya dahil ang kulit niya. Napapailing na lang ako. "Sana po mama sa susunod kasama na po natin si dad kahit na nakakatakot po siya minsan." Natawa ako. "Sige. Itatry natin na isama siya baby o kaya pupuntahan natin siya sa company niya." Suhesyon ko. "Osige po mama." Matapos namin kumain siya yung nagdala sa bag ko buti na lang at hindi iyon mabigat. Dinala ko na yung mga inorder ko at nagabang ng taxi. Nang makarating kami sa village dumaan muna kami sa bahay para ibigay yung part ni mama. Pagkapasok namin nadatnan namin si Mama pero kasama niya si papa. Hinalikan ko sila sa pisngi habang si jaden naman nagmano kina mama at papa. "Kanino anak to pia?" Tanong ni papa. "Anak siya ni Jacob." Sagot ko habang nilabas yung 1 bocket na chicken saka yung iba pang pinamili ko. "Sainyo yan ma, pa." "Lola, lolo pwede po ba akong makitulog dito minsan?" Biglang tanong ni jaden. Natawa sina papa dahil sa tanong niya. "Oo naman. Tatabi ka kay sofia." Sabi ni papa. "Mama ko na po siya." Nakangiting sabi ni jaden. Nagkatinginan sina papa at mama saka tumingin sakin si papa ng makahulugan at ngumiti siya. "Pasensiya na pa." "It's okay pia. Mukhang may apo na ako, napaaga." Pabiro ni papa. Si mama naman nakangiti lang saminz Bigla tuloy akong namula dahil sa sinabi niya. "Papa naman ee." Natawa siya. "Sige na puntahan mo na sina landon sakanila." Sabi ni papa. Kinuha ko na yung mga pagkain na ibang dala ko saka hinawakan si jaden sa kamay. "Alis na po kami." Paalam ni jaden. "Ingat kayo apo." Sabi ni papa. Namumula pa din ako hanggang ngayon. Mukhang naeenjoy nila na may bata dito sa bahay, panigurado may dahilan si papa para umuwi palagi nyan dahil nandyan si jaden para bisitahin sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD