CHAPTER 9

528 Words
Sofia's POV Ilan araw din ang lumipas palagi akong kinukulit ni Jacob. Isang Jacob Eli Walton na napakaseryoso na tao marunong palang mang-asar pero sa huli pikon. Ay nako. Napapailing na lang ako dahil sa ginagawa niya. Buti na lang din hindi na siya tumutol nung nalaman niya na nag-aaral na si Jaden sa school kung saan kami nagtuturo ni hannah. Yung homed teacher niya pinahanap na siya ng ibang trabaho. Nang matapos ang buong klasse, naglinis na ako at lumabas ng classroom. Palabas na sana ako nang school ng may tumawag sa akin. "Mama." Alam ko si jaden lang ang tumatawag sakin non. Lumingon ako sa kanya tumatakbo siya papalapit sakin. "Don't run jaden. Baka madapa ka." Sita ko. Nang makalapit siya sakin, humawak siya sa kamay ko. "Sorry mama, pwede po ba akong sumama sainyo? Kain po ulit tayo nung inihaw." Ngumiti ako sakanya. "Sure sige, basta paalam muna tayo sa daddy mo." Sabi ko. Humaba bigla yung nguso niya, dahilan para mapatawa ako. "Mama naman eh, nagpaalam na po ako kay tita hannah ee." Sabi niya. Umiling ako. "Jaden, hindi ibig sabihin nagpaalam ka sa tita hannah mo. Hindi ka na magpapaalan sa daddy mo." Pangaral ko sakanya. Napayuko siya dahil sa sinabi ko. "Sorry po mama. Takot lang po talaga ako kay dad." Sabi nito pero sa bandang huli na sinabi niya biglang humina yung boses niya. Hinaplos ko yung buhok niya saka ngumiti sakanya. "It's okay baby, tawagan na natin ang daddy mo." Sabi ko sakanya at kinuha yung phone ko sa pocket ng uniform ko. Hinanap ko pa sa mga contact ko yung pangalan ni jacob at tinawagan siya. Ilan ring din bago niya nasagot. "Hello?" "Hello? Love, what do you need?" Tanong nito. Napairap na lang ako dahil sa tinawag niya sakin. "Ipapaalam ko sana yung anak mo." Panimula ko. "Where are you going? The both of you?" "Kakain sana kami ng street foods sa may kango malapit sa school." "No." Sabi niya sa kabilang linya. "Bakit?" "No. Madumi iyon." Patuloy pa din na pagtanggi niya. "Hindi man kaya." Sabi ko. "Basta. My answer is still no. That's final, find another food for your safety and for my son." Seryosong sabi nito. "Okay. Pasensiya na." Paumanhin ko bago ibinaba yung tawag. Tumingin ako kay jaden na nakatingala sakin. "Hindi tayo pinayagan ng daddy mo baby." "Paano nyan po?" Malungkot na tanong niya. Bigla tuloy may sumagi sa isip ko. Napangiti tuloy ako. "Nakakain ka na ba sa Jollibee?" Umiling siya. "Streed food stole din po ba yon mama?" Natawa tuloy ako. "No silly. Fastfood yun. Tara subukan natin don, masarap doon baby. Hindi ka ba nilalabas ng daddy mo para kumain sa labas?" "Hindi po mama." Sagot niya. "Okay sige. From now on, mamasyal tayo palagi para maging familiar yung mga pinupuntahan natin." Suhesyon ko sakanya bago kami pumunta ng jollibee dahil malapit lang dito sa school. Nang makapasok kami humanap kami ng pwesto. Pinaupo ko muna siya. "Baby, dito ka lang okay? Pupunta lang sa may counter si mama." Paalam ko. Kinareer ko talaga yung pagiging mama sakanya. Sabagay nageenjoy ako na kasama si jaden, dahil hindi ka maiinip sakanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD