Jacob's POV
Natigilan ako dahil sa mga sinabi niya, nabigla pa ako ng halikan niya ako sa pisngi.
Hindi ako nakapagsalita ng sinabi niya aalis sila ni jaden.
Kaya ko lang naman pinalo si jaden dahil hindi tama yung ginagawa niya, nalaman ko pa mismo kay sofia na pumapasok si jaden sa school kung nasaan si sofia.
"Sabi ko na nga ba ee. Hindi ka mananalo sakanya." Biglang sabi ni hannah at sumulpot sa harapan ko.
Umupo siya sa harapan ko. "Ganon ba talaga yang kaibigan mo?"
Ngumiti siya. "Oo naman. Buti nga lang kaibigan ko yan. Mabait naman siya pero hindi maganda pag inaway mo siya. Papatulan ka niya." Sabi nito.
"Papatulan?"
"Oo. Naalala mo pa ba kuya nung highschool tayo. Di ba kaibigan ko na si Sofia non?"
Tumango ako. "Palagi siya nasasali sa gulo dahil nagrerebelde siya non sa parents niya. Hindi kasi maganda yung pakikisama ni sofia sa papa niya kaya nagagawa niya yun. May mga nang-aaway sakanya pero pinapatulan niya lahat kahit sino pa."
"Bakit hindi ko alam?" Nagtatakang tanong ko.
Natawa siya sa sinabi ko. "Malamang, ikaw kuya magkakainterest sa paligid mo? Nagtaka ka pa." Sabi niya.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Masanay ka na sakanya." Sabi nito.
Ilan oras lang ang lumipas ng dumating sina sofia kasama ang anak ko. Tinitigan ko siya pero nakipaglabanan din ng tinginan.
Ako na yung unang umiwas. Mukhang totoo nga yung sinabi ni hannah.
Tumayo na ako saka iniwan siya. Ilan minuto akong nagstay sa kwarto ko bago bumaba ulit para saka kumuha ng pagkain ng marinig ko si jaden na nagsalita. Kasama si hannah. Nakatalikod sila sakin kaya hindi nila ako makita.
"Tita. Nakita ko pong naninigarilyo si mama kaninang tumakas ako." Sabi nito.
Nanigarilyo siya pero hindi niya alam na nandon ang anak ko?
"Anong sinabi mo sakanya?" Tanong ni hannah.
"Ano po. Sinabi ko po sakanya na huwag siyang manigarilyo sabi niya po itatry niya pero tinitigan ko po siya ng seryoso at sinabi ko po na para din sakanya yun. Buti na lang po pumayag." Sabi nito.
Si jaden lang pala ang makakapagpatil sakanya.
Iniwan ko na sila saka kumuha ng pagkain sa kusina at bumalik sa kwarto ko.
Habang nanood ako, bigla kong naisipan na tawag siya. Buti na lang hinanap ko yung number niya sa cellphone ni hannah habang wala ang kapatid ko.
Dalawang beses nagring at naisagot na siya.
"Hello? Sino to?"
"It's me."
"J-jacob?"
Ngumiti ako. "Yeah. It's me. Gulat ka yata?" Nang-aasar na sabi ko.
Narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya. "Hindi ko inaasahan na isang Jacob Eli Walton ay tatawag sakin. Hindi ko expect na isang kagaya mo marunong mang-asar." Mapang-asar na sabi din nito.
Mukha ngang hindi magpapatalo to. "Nakita ka daw ng anak ko kanina na naninigarilyo." Pag-iiba ko.
"So?"
"Ang sinasabi ko lang huwag kang magpapakita sa anak ko na naninigarilyo ka."
"Ginagawa ko na okay? Pinipigilan ko hanggat kaya ko para sa anak mo." Sabi nito.
Ngumiti ako ng palihim. "Good for you." Sabi ko.
"Whatever." Masungit na sabi niya at ibinaba yung tawag.
Natawa tuloy ako. Napailing na lang ako bago ipinagpatuloy yung pinapanood ko.