bc

Buy My Heart

book_age18+
4.7K
FOLLOW
40.2K
READ
friends to lovers
independent
drama
comedy
twisted
ambitious
city
first love
friends
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

RATED SPG

Parehong lumaki sa squatter area sina Joshua at Jia. Ang pagkakaibigan nila ay pinatibay na ng panahon.

Ngunit ang isa ay iibig sa bestfriend n'ya. Dahil dito ay mayayanig ang relasyong sinusubok na ng panahon.

Hanggang sa dumating sa buhay nila si Drey Montes. Ang mayaman na lalaking ito na naghahanap ng pagmamahal ay handang bayaran ang puso ni Jia.

Ang pagkakaibigan na nagkaroon na ng lamat ay lalo pang masisira dahil maghahati-hati silang tatlo sa pag-ibig na dapat ay para lang sa dalawa.

Sino ang susuko?

Sino ang lalaban?

Ano ang kaya nilang ibayad para sa pag-ibig na wagas?

****

AUTHOR'S NOTE: SAKOP PO NG COPYRIGHT LAW ANG AKLAT NA ITO (Buy My Heart). HUWAG HANAPIN SA MAGNANAKAW AT HUWAG NAKAWIN KUNG AYAW MAKASUHAN!

AKO AT ANG LAHAT NA LIBRO KO AY REGISTERED KAYA BAGO N'YO KOPYAHIN AT IBENTA SA ILEGAL NA PARAAN, MAG-ISIP MUNA KAYO. IYON ,EH, KUNG MAY PAMPYANSA KAYO!

COPYRIGHT 2021

Dito lamang po ITO sa DREAME or YUGTO basahin.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
JIA’S POV Lumabas ako ng bahay para bumili ng pagkain sa kanto. Hindi nagluto si nanay at tinatamad din akong magluto. Wala namang paki-alam ang stepfather ko sa kusina. Sugal, alak at babae lang naman ang alam ng lalaking iyon. "Jia, may tinda ka pa bang brief diyan? Pautangin mo nga ako, medium ulit ha. Bayaran ko na lang next week," naningkit ang mga mata ko ng marinig ko ang boses ng kaibigan kong si Joshua. Dahan-dahan akong lumingon sa kinaroroonan niya at malapad akong ngumiti sa kaniya. "Joshua, o-order ka na naman? Eh, yung brief na inorder mo six months ago, ayun nakita kong naka-hanger doon sa may inyo. Butas-butas na pero yung utang mo sa akin hanggang ngayon ay utang pa rin. Butas na rin ang bulsa ko dahil sa'yo!" Tumawa ng malakas ang kaibigan ko. Lumabas ang mga dimples niya sa magkabilang pisngi at lalo siyang naging gwapo sa paningin ko dahil mas lumiliit ang mga mata niya kapag tumatawa. "Grabe ka talaga, Jia. Kung ipahiya mo ako gano'n na lang." "Ah, nahihiya ka," nilapitan ko siya at piningot sa tainga. "Alin ang mas nakakahiya, ang butas mong brief o ang utang mong hindi binabayaran?" Nakita ni Amanda ang harutan namin ni Joshua kaya sumabad ito sa amin. Isa ito sa mga kaibigan namin kahit na balitang-balita ang pagiging pokp*k niya. Alam kong crush niya si Joshua at naiinis ako kapag nagpapapansin s'ya sa kaibigan ko. Minsan nagseselos din ako sa kaniya. Malandi kasi talaga siya. Harot dito, harot doon sa kahit kaninong lalaki. "Parang hindi ka naman babayaran," kunwari'y nagtatampong sabi ni Joshua sabay haplos ng tainga niya. "Hoy!" Dinuro ko si Joshua sabay namewang ako para mas intense ang feeling. Nagwika ako ng pangmalakasang, "Napapanot na ang bunbunan ko sa kahihintay ng bayad mo. Hindi na nga kita sinisingil tapos ngayon ang lakas ng loob mong umutang ulit. Aba, lugi na ang negosyo ko, wa' pa kita dahil sa mga barat!" Alam kong naglalambing lang si Joshua sa akin. Sanay na kasi siyang biruin ako dahil simula mga bata pa lang kaming dalawa ay matalik na kaming magkaibigan. Bukod doon, alam kong may gusto siya sa akin. Sekreto ko rin namang minamahal ang poging lalaking ito kaya lang sobrang minus point ang pagiging batugan niya. Sa edad niyang bente tres ay nakaasa pa rin siya sa mga magulang niya. Dahil nasa gitna kami ng kalsada kaya pinagtitinginan kami ng mga tsismosa sa lugar namin. Alam kong mamaya ay nasa headline na naman kami rito sa barangay. Ganito talaga sa iskwater, konting kembot, balita agad ng mga may mahahabang dila. Habang nakatayo ako sa gilid ng kalsada ay nakita ako ng kapitbahay naming isa sa mga customer ko sa online business. Oo, fourth year college pa lang ako pero todo raket na ako dahil kahit Sachurette ang apelyido ko ay laki sa hirap ako. Mukha lang talaga akong mayaman dahil sa apelyidong iyan pero pulubi talaga ako sa lugar namin. "Jia, kailan ka mag-la-live selling?" tanong niya sa akin. "Bukas na ho. Mamimili muna ako. Wala na kasi akong paninda. Dinaan ko po kasi sa ganda kaya naubos agad." Magkahalong biro at katotohanan ang sagot ko kay Manang Elsa. "Bago ka mag-live, pipili muna ako sa mga paninda mo ha." "Sige po," sagot ko ulit sa makulit na kapitbahay namin. Ang totoo gigil ako sa kaniya kasi pili lang siya ng pili pero isa lang naman ang binibili niya. Ang dami pa niyang reklamo. Kung baratin pa ako, naku grabe! Nahihiya lang siguro siyang sabihin na, "Hingiin ko na lang ang paninda mo." Nagkaka-uban talaga ako sa mga katulad niyang customer pero sabi nga nila, "Para sa ekonomiya kailangan mo ng mahabang pasensya." Kaunting panahon na lang naman ay matatapos ko na ang kursong Bachelor of Secondary Education. Makakaraos din ako sa hirap ng buhay. Pagkatapos naming mag-usap ni Manang Elsa ay binalingan ko si Joshua. Magpapalibre na lang ako sa kumag na ito para makabawi man lang ng kahit kaunti sa interest ng utang niya. "Ano bang gusto mong almusal?" tanong ni Joshua. Mukhang may pera yata ang loko kaya agad na pumayag na i-libre ako ng pagkain. "Kahit ano," mabilis kong tugon. "Tara doon kina Aling Maita, mas masarap ang pagkain doon kesa diyan kina Aling Nena." "Balak mo ba akong patayin, Joshua?" naiinis kong tanong sa kan'ya. "Saan naman nanggaling ang linya mo?" nagtatakang baling sa akin ni Joshua. Nakatanaw ito sa pwesto nina Aling Maita kaya nagulat siya sa pagtaas ng boses ko. "Mas masarap pala ang pagkain kapag maraming langaw na ang nauna. Siguro wala ka talagang balak bayaran ako kaya papatayin mo na agad ako dahil sa mikrobyo." "Kung makaarte ka naman akala mo hindi tayo mga taga iskwater." "Ayun na nga, mga batang iskwater tayo, magiging burara pa ba tayo? Magbayad ka na nga lang ng utang mo!" galit kong wika sa kaniya. Nadidiri kasi talaga akong bumili ng lutong pagkain na hindi man lang tinakpan ng tindera. "Sige na, huwag ka nang magalit. Ililibre na lang kita sa fast food restaurant. Hindi mo pa kasi sinabi na doon mo talaga gusto. Palagi ka na lang nagpapakipot." Masaya akong ngumiti. Nagoyo ko na naman ang kaibigan ko. Sa daming beses akong inilibre niya, ako pa ang lalabas na may utang sa kan’ya kung magkukwentahan kami. "Kung hindi lang kita mahal..." Narinig kong sabi niya. Hindi man niya itinuloy iyon ay kinilig naman ang puso ko. Binatukan ko siya dahil sa sinabi niya pero ang saya ng puso ko ng mga oras na iyon. Mabait, gwapo ngunit hindi nga lang talaga matalino si Joshua. Noong magkaklase pa kaming dalawa ay hirap na hirap na siya lalo na sa Math. Naabutan ko na nga lang s'ya sa elementarya dahil paulit-ulit siya ng grade one. Tapos na kaming kumain ng makasalubong ko ang tiyahin kong parang balyena sa katabaan. Masama ang ugali nito kaya ayaw kong nakakasalubong siya kahit saan, kahit kapatid pa siya ng nanay ko. "Ang aga-aga lumalandi ka kaagad. Bakit hindi pa kayo magpakasal ni Joshua? Nasa dila kayo palagi ng mga tsismosa pero wala ka pa ring pakialam na babae ka. Hindi ka na nahiya," mahabang litanya niya. Uminit ang ulo ko pero dahil tinuruan ako ng nanay kong gumalang sa matatanda kaya hindi na ako nagsalita. "Ikaw Joshua, kailan mo ba balak mamanhikan ha?" Napakamot ng batok niya ang katabi ko. "Paano siyang mamanhikan? Hindi ko naman po boyfriend iyan," sagot ko. "Huwag ho kayong mag-alala, liligawan ko na po si Jia para pagka-graduate niya kasal agad namin." Hinawakan ko sa buhok niya si Joshua at kinaladkad ko siya palayo sa tiyahin ko. "Anong pinagsasasabi mo kay t'yang? Baliw ka ba? Mamaya seryosohin noon ang sinabi mo, naku, mapapatay talaga kita!" "Sinabi ko lang iyon para tumigil na s'ya kabobonganga," sabi ni Joshua. "Oy, yung brief ko ha, medium." "Bayad muna." Inilahad ko ang mga palad ko. Bigla niya akong inabutan ng isang libo. Nagulat pa ako nang makita ang pera kaya agad ko siyang tinanong kung saan nanggaling iyon. "May trabaho na ako, Jia. Kaya na kitang buhayin kaya magpaligaw ka na sa akin." "Nagpapatawa ka ba? Alam mo namang gusto kong makaalpas sa lintik na buhay na ito. Ayaw kong forever tumira sa lugar na ito." Namumula ako sa kilig pero pinipigilan ko ang puso ko. "So, basted agad?" Tumawa ng mapait si Joshua. Gusto ko siyang aluin pero mas nananaig talaga sa akin ang kagustuhan kong makapagtapos at magkaroon ng magandang buhay. Isang bagay na hindi kayang ibigay sa akin ni Joshua kaya labag man sa kalooban ko ay tinanggihan ko agad ang palipad hangin niya. Malungkot kaming naghiwalay ni Joshua. Isang kanto lang ang pagitan ng mga bahay namin kaya madalas kaming nagkikita. Alam kong muli n’ya akong kukulitin. Kung tutuusin mas maayos pa ang buhay nina Joshua kesa sa amin. May malaki silang bahay. May trabaho ang mga magulang niya na parehong empleyado sa city hall. Samantalang ako, sa edad na bente ay nakatira sa isang maliit na bahay kasama ang stepfather kong batugan at nanay kong martir. Wala akong kapatid. Baog raw kasi ang step father ko kaya ang lakas ng loob mambabae kasi hindi naman daw niya maanakan ang kahit sino. "Jia, saan ka galing?" tanong ni nanay. "Kumain lang po kami ni Joshua, ‘nay." Hindi na kumibo ang ina ko. Hindi niya kasi ako pinapagalitan kapag si Joshua ang kasama ko. Malaki kasi ang tiwala niya sa lalaking iyon. "Nay! Nasaan na po ang pera ko sa bag?" "Anong pera ang sinasabi mo?" "Iyong pambili ko ng mga paninda bukas. Mag-la-live ako bukas, eh." "Hindi ko alam iyan," sagot ng nanay ko. Uminit ang ulo ko nang hindi ko makita ang perang pinakatago-tago ko. Kung hindi ang nanay ko ang kumuha noon, tiyak ang stepfather ko na naman. "Bwesit naman kasi kayo, nanay! Ayaw n'yo pa kasing makipaghiwalay kay Tsong Arvin. Perwisyo kayo pareho!" Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Sa lakas noon ay halos nayanig ang ulo ko. Ah, pati ang mundo ko ay umikot. Palagi na lang kaming ganito ni nanay dahil sa stepfather ko. "Ikaw, Jia, hindi porket kumikita ka na ay pwede mo na akong pagsalitaan ng hindi maganda!" galit na wika ng nanay ko. Kinuha niya ang mga damit ko at inihagis iyon sa labas ng bahay namin. Ang mga tsismosa ay nagbubulungan habang pinapanood akong pinupulot ang mga nagkalat kong damit. Ang bilis ng mga pangyayari. Ito na naman ako, parang dagang walang mapupuntahan. Mabigat ang hakbang na lumakad ako papunta sa bahay nina Joshua. Muli ay makikitira ako sa bahay ng lalaking kanina lang ay binasted ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook