NAPASIKSIK si Daphne sa sulok ng kwarto nang maramdaman niya ang paggalaw ng seradura ng pinto sa kinaroroonan niya. At mayamaya ay bumukas iyon at pumasok do'n ang isang armadong lalaki. Napansin niyang may hawak itong tray na naglalaman ng pagkain. Sa totoo lang ay gutom na si Daphne sa sandaling iyon. Last na kain niya ay kahapon na tanghali pa, pero wala siyang ganang kumain dahil sa sitwaston niya ngayon. At halos wala din siyang tulog mula kagabi pa dahil natatakot siyang baka may mangyari sa kanya na masama kapag sinubukan niyang matulog siya, kailangan din kasi niyang maging alerto. She was tired. Sunod-sunod naman siyang napalunok nang tumuon ang atensiyon nito sa kanya. Napansin kasi niya ang pagnanasa na bumalatay sa mga mata nito habang nakatitig ito sa kanya, pakiramdam n

