HALOS mag-isang linya ang kilay ni Alessandro habang sunod-sunod ang putok ng baril ang pinapakawalan niya ng sandaling iyon. Bawat baril na pinapaputok niya ay isa-isang nagbabagsakan ang mga kalaban. Hindi niya alam kung ilan ba ang kalaban na naroon sa abandonadong building kung saan dinala si Daphne ng mga kumidnap dito. Nalaman ni Alessandro na naroon si Daphne dahil may track ang suot nitong wedding ring na ibinigay niya noong kasal nilang dalawa. Sadya talaga niyang pinaglagyan iyon para ma-track niya ito kung nasaan ito. Mabuti na lang ang naisipan niyang palagyan iyon noon. At mabuti na nga lang din at hindi nito iyon tinanggal o itinapon noong may misunderstanding silang dalawa. Dahil kung tinanggal o itinapon nito iyon ay mahihirapan siya sa paghahanap kung saan ito dinala ng

