“Huwag mo akong tawaging Mama, hindi kita anak,” umawang ang labi ko sa gulat nang hindi manlang niya ako hinintay na matapos sa sinasabi ko. Tumikwas ang kilay niya nang makita ang gulat sa mukha ko. “Ay oo nga pala. Hindi mo pa alam. Ampon ka lang ng Tatay mo,” walang preno na sabi niya. Para naman akong tinulos sa kinatatayuan ko habang hindi makapaniwalang nakatingin lang kay Mama. Umaasang tinignan ko siya para tignan kung nagbibiro ba siya pero matapang na sinalubong lamang niya ang tingin ko. ‘Ampon lang ako?!’ Matigas akong napalunok at pilit na tumawa kahit sa loob ko ay alam ko na hindi siya nagbibiro. “Ma naman,” nagmamakaawang sabi ko sa kaniya. Kakarating ko lang dito pagkatapos ng ilang buwan na lumayas ako sa pag-asang may babalikan ako na isang maayos na

