"What do you want to drink?" tila may sariling buhay ang kilay ko na agad na tumikwas nang makita ko ang mga alak na nagkalat sa harap namin. Sa dami ng mga alak na nakalagay doon ay ni isa wala manlang akong kilala. Red horse lang ang tinatagay ko pero ito mukhang mamahalin. Iyong tipo ng alak na isang patak lang ay nagmumura kaagad ng ilang libo. Napangiwi ako nang nakaramdam ako ng hiya na pumili nang mapunta ang tingin ko sa isang alak na nakalagay sa mamahaling bote. Iyon lang ang unique sa lahat ng bote na nandoon. "He-" "Franco!" natigilan ako nang bigla na lamang may tumawag kay Franco na babae. Sabik na sabik itong tumakbo papunta sa direksyon namin at yumakap kay Franco. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay biglang sumama ang loob ko habang nakatingin ako sa kaniya na mukhang

