"Chessa?" naputol ang pagmumuni-muni ko nang marinig ko ang concerned na boses ni Candice na tinawag ako. I blinked many times at nagtaas ng tingin sa kaniya. "Ha? ano ulit ang sinabi mo? sorry may iniisip lang kasi ako," hindi makatingin sa kaniya na sabi ko. Kasalukuyan kami ngayon bumabyahe dahil meron kaming booking from one client. "I said are you okay? I kept silent these past few days pero parang ang unhealthy na palagi ka na lang ngayon na natutula. May nangyari ba na hindi ko alam at dapat kong malaman?" magaan ang boses na sabi ni Cadice. Halata pa sa itsura niya ang pag-aalangan kung sasabihin niya ba sa akin iyon at tila tinatantya niya muna kung ano ang magiging reaksyon ko sa sasabihin niya. I forced a smile at her. "I am okay. Ano ka ba! May iniisip lang talaga ako," k

