"Tyler," hapong sabi ko nang mabuksan ko ang pinto. Natigilan ako nang bumungad sa akin ang masasayang mukha nina Tyler at Olivia kasama na ang pamilyar na itsura ng magulaang ni Tyler na masayang nakikihalubilo at pinapanood magkasintahan. 'Magkasintahan' mapait akong napangiti sa isip ko nang sa akin mismo nanggaling ang ganoong salita. Kitang-kita ko naman kung paano nanlaki ang mata ni Tyler at nang mga magulang niya habang si Olivia naman ay mukhang hindi na nagulat na nandito ako. Was she expecting me? "Chessa," wala sa sariling sabi ni Tyler. "What are you doing here?!" galit na sigaw ng Papa ni Tyler na halata ang disgusto sa itsura. I felt a sharp pain inside my chest habang nakatingin ako sa itsura ni Tyler. Kung gaano kasaya ang itsura niya kanina habang nakatingin sa

