“Olivia? Franco?” paos ang boses na sambit ko nang makita ko silang dalawa. Franco looks so shocked na makita kami ni Thea na nandito habang si Olivia naman ay mukhang masaya na nandito kami. Matigas akong napalunok kasabay ng paghinga ng malalim. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin dahil ayoko naman na mag-conclude kaagad base lang sa nahuli ko sila na magkasama pero hindi ko maiwasang masaktan na makakita na naman ng ganitong napakapamilyar na tagpo. “Anong ibig sabihin nito, Franco?” tanong ko sa kaniya na tunog nakiki-usap. I looked at Franco with a pleading eyes. I was really hoping for him to say na wala lang ito. Na pinapunta niya lang dito si Olivia dahil may pag-uusapan sila tungkol sa trabaho pero kasalungat niyon ang matagumpay na ngiti sa labi ni Olivia. “Oh,

