I took a deep breath habang nakatingin sa mga taong dumadaan sa labas ng salamin. Nandito ako ngayon sa isang hindi sikat na coffee shop para tumambay dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta pagkatapos ng lahat ng nangyari. I can’t go to Candice dahil alam ko na hanggang ngayon ay pino-problema pa rin niya ang kalagayan ni Mama niya dahil may paparating ito na operasyon. Hindi din naman ako makakauwi dahil katapat ko lang ng unit si Franco and for sure ay pupuntahan niya ako. ‘Listen to your heart, it knows the answer’ napahawak ako sa taas ng dibdib ko nang naalala ko naman bigla ang sinabi sa akin ni Tyler kanina. “Maye next time but not now,” I said to myself at muling huminga ng malalim. Ilang oras na ang lumipas simula noong nangyari iyon pero hanggang ngayon ay ramdam na

