Kanina ka ako palakad-lakad lang sa loob ng kwarto ko habang iniisip kung ano ang gagawin ko. My tummy has been rumbling non-stop simula pa kanina. Nakakain naman ako ng breakfast pero mukhang hindi yata sapat ang nakain ko kaya ganoon na lang ang gutom na nararamdaman ko ngayon. Gusto ko kumuha ng pagkain sa labas kaso ngalang nahihiya naman ako, baka isipin nila na ang takaw ko. Hello, ang dami na kayang pagkain na nawawala sa loob ng fridge nina Thea kasi kumukuha lang ako ng hindi nagpapaalam. Sabi naman kasi nila feel at home kaya iyon ang ginawa ko. Kaso ngalang ay nasobrang yata ako sa feel at home na halos maubos ko na ang laman ng fridge nila. ‘Buti na lang hindi ako mabilis tumaba. Sana lang hindi mapansin ni Candice kung hindi mapapagalitan na naman niya ako tapos sasabihan

