I felt my forehead formed a knot and suddenly I smelled a delicious smell of meat kaya agad akong naalimpungatan nang biglang kumulo ang tiyan ko. Mas lalong lumamin ang pagakakakunot ng noo ko nang nakita ko ang paligid na hindi ako pamilar. ‘Ba’t ang daming upuan dito?’ takang tanong ko sa isip habang nililibot ko ang tingin sa paligid. Agad akong napabalikwas ng bangon nang napagtanto ko kung nasaan ako. “B-Bakit nasa ere ako?!” natatarantang sabi ko nang tignan ko ang bintana at nakita ang mga ulap sa labas. Ibig sabihin ay nasa himpapawid ako ngayon. Kinakabahang kinapkap ko naman ang sarili ko para pakiramdaman kung may laman loob ba akong nawawala. ‘Kinidnap ba ako?’ “I see you are awake now,” sabi ng pamilyar na baritong boses. Lumingon ako sa direksyon niyon at nakita si

