"Ano ba naman yan. Ang aga-aga," asar na sabi ko at napipilitang bumangon. Tinignan ko ang relo na nakadikit sa pader at nakita na 7:30 am pa lang ng umaga. Jusko, sino naman ang tao na manggigising ng ganito kaaga? Wala kasi akong trabaho ngayon because Candice cleared my schedule dahil sa kasal na pupuntahan namin mamaya. Ava's wedding is scheduled at 2 pm kaya marami pa akong oras para magtinamad sa unit ko at gawin ang gusto ko. Pupunta din dito mamaya si Candice ng mga around lunch dahil sabay na kaming maghahanda para sa kasal. Gigil na tinampal ko ang isa kong pisngi para pilitin ang sarili ko na magmulat. Antok na antok pa kasi ako dahil anong oras nang natapos ang photoshoot namin kagabi kaya late na rin akong nakatulog. Malayo pa naman ang location kaya dagdag pagod ang pag-d

