I smiled to myself habang winiwili ang sarili ko sa pagtingin na lamang sa labas para naman hindi ako makaramdam ng awkwardness. Simula kanina hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagpapansinan ni Franco na tahimik lang din na nakaupo sa tabi ko habang si Kyle naman ay sarap na sarap sa pag-sound trip niya sa harap na siyang nagmamaneho ngayon sa amin. It is already dark outside dahil 7 pm na ng gabi. Ngayon ko lang nga natagpanto na tatlong oras din ang ginawa kong paghintay kay Franco, mabuti na lang at hinayaan niya akong matulog at least hindi ako nabagot. 'Masarap pa panaginip mo' pilya na sagot ng kabilang utak ko. Agad na nag-init ang pisngi ko nang naalala ko na naman ang panaginip ko. "Ugh," asar na ungol ko at patagong napatampal ng noo. Parang gusto ko na lang tuloy iuntog a

