"Candice," mababa ang boses na tawag ko sa kaniya. Simula kaninang umalis kami mula sa restaurant kung saan kami nag-lunch hanggang ngayon na tapos na ang photoshoot namin ay hindi pa rin niya ako pinapansin. "Oi!" asar na tawag ko sa kaniya nang hindi pa rin niya ako nilingon. Napansin ko naman na tumigil siya pero hindi pa rin talaga niya ako nililingon. "Bakit?" malamig na tanong niya. Lumapit ako sa kaniya at tinitigan siya. "May problema ba tayo?" kalmadong tanong ko sa kaniya. Hindi ako sure kung seryoso ba talaga siya na galit o trip niya lang ako ngayon. Hindi ko tuloy alam kung ano ang apparoach na gagamitin ko sa kaniya. "Oo, okay lang tayo. Tanggap ko na na ikaw ang pinili ni Franco at hindi ako. Hindi lang si Franco kundi pati na ng buong pamilya niya. Ano ba naman ang

