CHAPTER 16

2410 Words
Halos mabinat ang kanyang labi sa pagkakangiti ng ipakilala ng ginang ang dalawa.  Hindi pwedeng magkaron ng ideya ang pamilya niya na kilala niya ang mga ito. Ngayon niya lang nakilala ang babaeng lumapit sa kanya sa store. She's Sheerina. At kababata pala ito ni Giuseppe.  They look like perfect lovers. Sigurado siyang hindi na siya galit sa lalaki. Pero bakit ganoon? Bumalik ang pait na nararamdaman niya noon? Parang asido iyon na binubuhos sa kanyang puso. Hindi maipaliwanag na kirot. "Sheerina, bakit ba kasi hindi mo matali-tali itong si Giu? Para magkaron na rin ako ng sariling apo? Naiinggit ako kay Alexander sa totoo lang, days from now makikita makakarga na niya si Baby girl." "Oh, you're having a baby girl?" Bulalas ni Sheerina. May kislap ang mga nito habang nakatingin sa kanyang tiyan. Iniwasan niyang magkasalubong ang tingin nila ni Giuseppe. Ayaw niyang mabasa ang reaksyon nito. Saka niya napagtanto, hindi pa pala siya handang makaharap ang lalaki. Akmang tatayo sana siya nang malakas na sumipa ang kanyang baby. Napabalik siya sa pagkakasanday at hindi na niya mapigilan ang mapahagikhik dahil nakikiliti siya sa kalikutan nito. "OMG! She's moving! Giu look, her baby is moving!" Tuwang tuwang bulalas ni Sheerina.  Ito yata ang unang beses na nakakita ito nang gumagalaw na tiyan ng isang buntis. Ang hagikhik niya ay nauwi sa panunubig. Ganoon ang nangyayari sa kanya kapag malikot ito. Lagi siyang naiihi. "Oh... Naaalala ko tuloy si Giu ko nong nasa tiyan ko pa lang. Napakalikot. Lalo pa kapag nararamdaman niya ang presensya ng daddy niya. Naku maiihi na lang ako sa kalikutan niya." Sukat sa sinabi ng ginang ay hindi niya naiwasang bigyan ng sulyap si Giu. Tiim ang bagang nito at hindi hinihiwalayan ng tingin ang kanyang tiyan. "Ahm, excuse me. I just need to use toilet",mabilis na paalam niya. Dahan-dahan siyang tumayo dahil may kabigatan ang kanyang tiyan. Totoong naiihi siya at magandang dahilan iyon para makaiwas siya sa nagtatanong na mata ng binata. Hindi siya magsasalita. Hindi niya ito kakausapin. Wala siyang dapat ipaliwanag dito. She and her baby deserve better. Nang makapuslit ay hindi na siya bumalik kung nasaan ang mga ito. Ayaw niya ng ganong pakiramdam. Ayaw niyang madama ng anak niya ang paghihirap niya. Bakit napaka wrong timing naman ng pagkakataon? Kung kailan manganganak na siya ay saka naman ito sumulpot. Sana saka na lang ito nagpakita kapag okay na talaga siya. Malakas siyang bumuntung-hininga. Nagbakasakaling tawagan si Rafa. Kailangan niya ng makausap. Ito lang ang nakakaalam sa totoong sitwasyon niya. "Kung nandyan lang sana ako may makakasama ka sana diyan",tila nakokonsensyang sabi nito. Nasa facetime sila at nagawa niyang ikwento dito ang pagsulpot doon ni Giu. "It's okay Rafa. Talking to you right now is more than enough. Kahit papaano gumagaan ang loob ko. I don't need stress now, you know. Kailangan kung magpakalakas para sa paglabas ni baby." "Yeah right. I am excited for her coming!" May galak sa boses nito. "I'll be the badass ninang." Napangiti  siya. Kahit siguro wala si Giu hindi makaramdam ng kakulangan ang anak niya dahil maraming nagmamahal dito. "Absolutely." ______ Giuseppe "Mom, can I ahm", tumikhim siya. "Can I talk to you?" Tila nahulaan naman nitong gusto niya itong makasarilinan. Pinauna na niya si Sheerina na umuwi. He need to clear up things. Kung sana hindi siya nagdalawang isip noon na tingnan ang naging appointment ng dalaga sa St. Benedict,ay hindi siya naguguluhan ngayon. He was tempted to check it but he choosed to shrugged it off. Pinaniwala niya ang sariling wala na siyang pakialam dito. But seeing her tonight was different story. Hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman ng makita itong malaki ang tiyan. Sinubukan niya itong silipin sa condo unit nito ngunit umabot na lang ng ilang buwan ni anino ng dalaga ay hindi niya nasilayan. Kahit sa boutique nito ay nagbaka sakali siyang silipin ito ngunit bigo siya. Sa ilang buwan na hindi niya ito nakita ay puro kahungkagan lamang ang kanyang nararamdaman. Laging naglalaro sa isip niya ang nasasaktan nitong anyo dahil sa kanya. Lately lang niya narealized na hindi magandang magtanim ng galit sa kapwa. Nagbackfire sa kanya ang lahat ng ginawa. Nakipagbati siya sa kanyang ina dahil sa kahilingan ng ama. At hindi niya sukat akalain na makikita doon si Bettina. "Is there anything wrong?" Pukaw ng kanyang ina sa malalim niyang pag iisip. Dinala siya nito sa balkonahe para makapag usap sila ng masinsinan. "Is it about your dad?" Umiling siya sunod-sunod. Napahilamos siya ng mukha at tumingala saka bumuga ng malakas na hangin para pakalmahin ang sarili. "Giu, are you okay? You look tense anak. May problema ba?" Napalunok siya. Pinipigilan niya ang pag iinit ng kanyang mga mata. "Gaano na ba katagal na nandito si Bettina?" Natigilan ito sa kanyang tanong. Kasabay ng pagkunot ng noo. "You sounded like you knew her for a long time",tila naninitang sabi nito. Hindi niya masalubong ang tingin ng ina. "How long, mom?" Ulit niya. Bahagyang nanginig ang kanyang boses. "She's seven months pregnant when came here. Can you tell me what's going on? Why you acted this way?" Napayuko na lang siya. Itinuon ang tingin sa kanyang sapatos. Nakita na lang niyang namasa iyon. Hindi na niya napigilan ang sarili at naiyak. Hindi niya magawang tingnan ang kanyang ina. He's a doctor. At hindi siya tanga para hindi niya malamang siya ang ama ng dinadala ng babae. Habang tahimik na tinitingnan kanina ang paggalaw ng tiyan nito ay tahimik siyang nagbilang. Sa kanya ang batang iyon. And he is an asshole for hurting her. "Don't tell me....? Giu? What have you done?" Napasinghap ito nang iangat niya ang tingin. He's crying. Nasasaktan siya sa sariling kagagawan. "I've hurt her mom... I can't forgive myself for what I have done. Pero kalabisan ba mommy kung naisin kong maging bahagi ng buhay niya....ulit?" Hindi niya nasalamin ang galit sa mukha nito kanina. Ngunit mas gustuhin niya pang magalit ito sa kanya kesa sa wala itong emosyon. Ibig sabihin lang ay wala na itong pakialam sa kanya,ni hindi nito magawang sulyapan siya. Karma niya marahil iyon dahil pagiging gago.  Sa isiping hindi siya nito hahayaang maging ama sa kanilang anak ay naghatid ng doble-dobleng sakit sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung alin ang dahilan kung bakit siya nasasaktan. Ang hindi siya nito hahayaang maging ama sa anak nila o ang pambabalewala nito sa kanya na para bang hindi siya kilala? _____ Bettina Wala sana siyang balak bumaba para maghapunan sa isiping nandoon pa si Giu. Ngunit napilit siya ng kanyang madrasta dahil pinapababa umano siya ng kanyang ama. Nasa hapag na ang lahat ng dumulog siya sa mesa.  Nakaramdam siya ng tensyon nang mapadako ang tingin siya sa daddy niya. Madilim ang mukha nito. Tumingin siya sa gawi ng kanyang kapatid na hindi pa rin pala umuwi. Ganoon din ang anyo ng kuya niya. Nakaramdam siya ng kaba. Nakatalikod sa bahagi niya si Giuseppe kaya hindi niya nakikita ang reaksyon ng binata. Binalingan niya ang kanyang madrasta na nasa tabi lang niya at ramdam din niya ang tensyon sa katawan nito. Bakit pakiramdam niya ay may hindi magandang mangyayari? "Sit down Bettina. Masama sa buntis ang magpalipas ng gutom", seryosong saad ng kanyang ama na hindi maganda ang tingin sa kanya. Napalunok siya. Bakit pakiramdam niya papakainin muna siya ng masarap na pagkain pagkatapos ay bibitayin? Kahit nag aatubili ay nagawa pa rin niyang ihakbang palapit ang mga paa sa mesa. Naupo naman sa tabi niya si Tita Tanya na halatang ninerbiyos na rin. Saka siya tumingin sa gawi ni Giuseppe. Malakas siyang napasinghap nang makita ang mukha nito. Punong-puno iyon ng pasa at putok ang labi nito. Napatingin siya sa kanyang ama at kapatid. Sigurado siyang may kinalaman ang mga ito sa mga pasa ng lalaki. Akmang ibubuka niya ang bibig ng magsalita ang kanyang ama. "Lead the prayer Tanya",utos nito sa asawa. Napasalikop ang kanyang kamay sa ilalim ng mesa nang magsimulang magsalita ang ginang sa kanyang tabi. God help me....  Piping panalangin niya. Pakiramdam niya talaga ay bibitayin siya pagkatapos. Sa kabila ng tensyon sa pagitan nilang lima nagawa niya pa ring kumain ng marami. Napapansin niya ang madalas na pagngiwi ni Giu tuwing ngunguya ito ng pagkain. Marahil nahihirapan dahil sa putok na bibig nito. Napuruhan yata pati panga. Matagal nang tapos kumain ang mga kaharap ngunit siya ay di pa tapos. Sinasadya niyang magpatagal sana para umalis na ang kanyang daddy ngunit sadyang hinihintay ng mga ito na matapos siya. Hindi pa niya nalulunok ang huling subo nang magsalita ang kanyang ama. "Huwag mo ng subukang dumagdag pa ng kanin Bettina. Alam kong umiiwas ka lang",matigas na saad nito. Lihim siyang napairap. Sinamaan din niya ng tingin si Giuseppe na noo'y nakatitig pala sa kanya. Anong sinabi nito sa ama at kapatid niya? Anong karapatan nitong pangunahan siya? "Napaka-unfair niyo naman daddy, bubusugin niyo muna ako bago bibitayin",nagawa niyang sabihin. "Wala ako sa mood makipagpilosopohan sayo ngayon Bettina", seryosong saad nito. Napakagat labi na lang siya. Hindi nga talaga ito madadala sa biro ngayon. Talagang galit. "Judge Romulo will come over tomorrow",tila hindi mababaling pahayag nito. Napakunot ang kanyang noo. Para saan ang abogado? Maghahati hati na ba sila ng kayamanan nito? Ngunit bakit judge? Hindi attorney lang? "Para saan dad?" Takang tanong niya. "You'll get married tomorrow." Nahigit niya ang hininga sa sinabi nito. Tila nabingi siya. Hindi siya makapaniwala. "What do you m-mean dad?" Nauutal niyang tanong. Hindi siya tanga para hindi maintindihan ang sinabi nito. Hindi lang siya makapaniwala. "Alex, hayaan mo munang mag usap ang mga bata", pakiusap ng ina ni Giu. Si Giu at ang kuya niya ay nanatiling tahimik at nakamasid sa kanila. "Para ano Tanya? Para kunsintihin mo na naman yang anak mo?" Galit na wika nito sabay turo kay Giuseppe. "Kunsinti?" Napatayo na ang ginang. Galit na rin nitong hinarap ang asawa.  Ang dalawa na ngayon ang nagtatalo imbes na sila ng kanyang ama. "Kung kinunsinti ko ang anak ko, hindi ko sana hinayaang bugbugin ninyo siya kanina!" Ninyo? Ibig sabihin pinagtulungan ng dalawa ang lalaki? Para ano? Para panagutan siya? "No, you can't make me",matigas niyang pagsalungat. Hindi sa lahat ng panahon ay gusto na lang lagi nito ang masusunod. Ayaw nga nila noon na mag asawa ito, may nagawa ba sila? Diba pinagpatuloy pa rin nito sa kabila ng kanyang pagtutol? Tumayo siya at naghihinakit na tiningnan ang ama. "At ano Bettina? Lalabas na bastarda ang apo ko? You can't say no. In fact, I did not give you any choice. Wether you like it or not, susundin mo ang gusto ko." Napahawak siya sa kanyang tiyan. Nanigas iyon dahil sa pagiging emosyonal niya. Naaapektuhan ang kanyang anak kapag nasasaktan siya. "Lagi na lang ba gusto mo ang masusunod ha dad? Paano naman ang gusto ko? Diba nga wala akong nagawa nang magpumilit kayong mag asawa ulit? Kahit kapalit pa iyon ng paglayo ko? Diba?" "I'm just doing this because you don't know what you're doing in your life!" Matigas na saad nito. "Excuse me Sir, be gentle to her. She's  pregnant",nag aalalang wika ni Giu na sa wakas ay natagpuan din ang boses. Isa pa ang lalaking ito. Hindi sila nagtatalo ngayon ng ama kung hindi ito sumipot doon at ewan kung anong pinagsasabi kaya nagalit ito ng  todo. "I know what I am doing daddy. Nasa tamang edad na ako para kontrolin ninyo ang buhay ko!" Tumaas ang kanyang boses. Akala ba nito titiklop siya? Dala marahil ng pagiging buntis niya kaya lalo siyang tumapang na sagot-sagutin ito. Wala siyang balak mag adjust. "Nasa tamang edad ba kamo Bettina? Tingnan mo ang sarili mo! Kung tama ang pag iisip mo ay hindi ka mabubuntis nang walang asawa!" Para siyang sinampal sa sinabi nito. Sana noon pa siya nito sinumbatan. Bakit ngayon pa na malapit nang lumabas ang kanyang anak? Ang tapang niya kanina ay napalitan ng mahihinang hikbi. "Anak I'm--- Biglang lumambot ang anyo nito. Marahil pumasok sa kukote nito na buntis siya at hindi dapat patulan. "Because I was fooled dad. What happened to me was intentional", puno ng hinanakit na salita niya. Tumingin siya sa gawi ni Giu na nooy  nababahala ring nakatingin sa kanya. "Alam mo ba kung bakit ako nagkaganito Daddy? Dahil sa inyo. Dahil sa galit ng tao sa inyo ako ang napaghigantihan. Ako ang sumalo sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Wala po kayong karapatan na sumbatan ako dahil nabuntis ako ng walang asawa. Dahil unang una, ang taong iyon ay ginawa ang lahat para sirain ako." Pinahid niya ang luha. Ayaw niya na sanang halungkatin ang bagay na iyon. Pero na trigger na siya. Umahon ang galit na nooy pilit niyang ibinaon sa limot.  Walang paalam siyang lumabas nang kusina at lumabas ng bahay. Kailangan niyang makahinga. Kailangan niyang makasagap ng hangin. Naninigas ang kanyang tiyan. "Sorry anak. Sorry kung hindi nakapigil si mommy. Promise sisikapin ko ng hindi magalit. I'm sorry",pinilit niyang kalmahin ang sarili. Ilang beses siyang humugot ng malalim na hininga saka guminhawa ang kanyang pakiramdam. "Bettina...." Napapikit na lamang siya. Pinipilit niyang kalmahin ang sarili na wag magalit pero eto naman ang lalaki at sinundan pa siya. Gusto yata ng mga to na mahimatay na lang siya bigla. "Not now Giu. Please.... Not now", pakiusap niya. Kung hindi lang sa sitwasyon niya ay baka isa din siya sa bumugbog dito. "Are you okay?" Taas baba pa rin ang dibdib niya nang harapin niya ito. Natigilan siya nang may hawak itong baso ng tubig. "You need this." Hindi na siya nagmatigas pa ng iabot nito ang baso sa kanya. Kailangan niya ng tubig para kumalma siya. "Then, take a deep breath again",sabay haplos nito sa kanyang likuran. Sinunod naman niya ang sinabi nito. Saka guminhawa ang kanyang pakiramdam. Nahaplos niya ang tiyan ng tumigil na iyon sa paninigas. Ayon sa OB niya normal lang daw iyon dahil malapit na siyang manganak. Any day from now ay manganganak na siya. At hindi pwedeng lagi siyang nakikipagtalo o nagagalit dahil baka mapapaanak siya ng wala sa oras. "Any day from now, you'll be giving birth",simula ng lalaki na ikinairap niya. Ayaw niyang magalit sa totoo lang. Wag naman sanang magkamali ito nang sasabihin baka hahapuin na naman siya at talagang mapaanak na siya ora mismo. "Look Bettina---- Hindi nito natuloy pa ang sasabihin dahil nakarinig sila ng malakas na sigaw mula sa loob. Akmang susugod siya sa loob ngunit maagap ang binata. Pinigilan siya nito. "You stay here. No matter what, you have to stay here. Please Bettina, just this once kung ayaw mong bigla kang mapaanak. You'll need to relax." Nang mapaupo siya nito, ay mabilis ang hakbang nitong pumasok sa loob. Gusto man niyang magmatigas ay hindi na niya ginawa. Para iyon sa anak niya. Susundin niya ang sinabi nito dahil para iyon sa anak niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD