Pagbalik niya sa loob ay tanging si Giu na lang ang kanyang naabutan. Nasaan ang mga magulang nila? Bakit hinayaan siya nito sa labas at hindi binalikan?
At bakit ka niya babalikan?
Agad niyang naipilig ang ulo. Muntik na niyang makalimutan na hindi pala niya gustong makita ang lalaki. Kung hindi sana gumawa pa ng gulo ang lalaki ay hindi babangon ang galit na pilit niyang ibinaon.
Imbes na tanungin ito ay hinanap niya si Nana Nema. Naabutan niya ito sa kusina at naghuhugas nang kanilang pinagkainan.
Akmang bubuka ang kanyang bibig ay siya namang pagtunog ng telepono. Dahil basa ang kamay ng kasamabahay ay siya na ang sumagot.
"Hello?"
"Tina!"
Ang kuya Xander niya iyon. Bakit ito nasa kabilang linya?
"Kuya,bakit? Unuwi ka na ba? Saan kayo nila daddy?" Sunod-sunod niyang tanong.
"Tell that bastard. If something bad happen to dad, I will really kill him!"
Hindi pa siya nakasagot ay pinatay na nito ang tawag. Naibagsak niya ang telepono at hindi na pinagkaabalahang ibalik iyon sa cradle. Mabilis ang mga hakbang na binalikan ang kinaroroonan ng lalaki. Sapo nito ang ulo at nakapikit ang mga mata. Kahit namamaga pa ang mukha nito ay hindi siya nakaramdam ng awa. Tinawid niya ang distansya nilang dalawa at walang sabi-sabing sinampal ito. Hindi pa siya nakontento ay inulit ulit pa niya iyon. Ni hindi ito gumalaw para siya pigilan.
Tumigil lang siya ng makaramdam siya ng pagod. Sapo ang tiyan at dibdib na naupo siya kabilang bahagi ng sofa.
"What do you want Giuseppe? Ano pa bang gusto mo? Hindi ka ba titigil hangga't walang namamatay na isa sa amin? Tama na, please!"
"Hindi ko ihingi ng tawad ang ginawa ko Bettina", hindi ito makatingin sa kanya. Sapo nito ang ulong nakayuko at itinuon ang tingin sa sahig. "Dahil alam kong walang kapatawaran iyon. But I want you to know that, what I did was killing me deep inside too. I know, you won't ever believe and forgive me. But I'm here for.... For our child Bettina. Hindi mo man ako patawarin, at least let me have my right as a father."
Napailing siya. Ang kapal ng mukha nito.
"Ang galing mo rin Giu ano? No, you cannot father my child. She will be fine without you. Or haven't you remember? Nabuo ang batang ito dahil sa galit mo. Hindi ka ba nahihiya? Despite of what you did Giu, I have forgiven you kahit hindi mo hiningi. But being part of our lives is a different thing. We deserve better and it's not to be with you. Ayaw kong kalakhan ng anak ko ang mundo ng paghihiganti mo. I never sign up for that kind of life Giu. Kahit man lang sana respeto sa mga magulang natin. Umalis ka na at wag ka ng magpapakita pa. Kapag may nangyaring masama kay Daddy ay hinding-hindi na talaga kita mapapatawad. Just leave Giu, buo na ako. Binuo ako ng magiging anak ko. Soon to be, I'll be a mother. Sana naman may puso ka pa. Don't break me again."
Hindi niya napaghandaan ang pag angat nito ng mukha. Parang kinurot ang kanyang puso nang makita ang anyo ng binata. A swollen face and tears in his eyes. Ipokrita siya kung hindi siya nasasaktan sa anyo nito. But what she can do? Nadala na siya. Natatakot siyang maging ang batang nasa kanyang sinapupunan ay maramdaman ang poot sa dibdib ng ama nito.
"We don't deserve you Giu",mahinang anas niya. Ngunit sigurado siyang narinig nito ang kanyang sinabi.
Mapait lang itong napangiti.
"I know. I know Bettina. But that doesn't mean I gave up my right. Even if it is angered you, I still insist my right as a father."
At tuluyang sumiklab ang galit sa puso niya. Tuluyan na siyang tumayo ulit para sugurin sana ito nang tawagin siya ni Nana Nema. Nasa kabilang linya daw ang kanyang ama.
"Daddy,nasaan ba kayo? Bakit ganon ang sinabi ni kuya?"
"I'm in the hospital Bettina",kahit hindi niya ito nakikita ay nababanaag niya sa boses nito ang kahinaan.
"Dad..?"
"But I'm good. Hopefully, I will be good. It's just a slight attack."
"Can I talk to Tita Tanya please?"
"Tina. Si Giu nandiyan pa ba?"
Saglit niyang nilingon ang sala.
"Opo. Kumusta po si Daddy? Ano po ba kasing nangyari bakit po biglaan?"
"Inatake siya matapos ninyong magtalo",huminga ito ng malalim. "Actually this is the second time. First was his argument with your brother."
"Can I visit him tomorrow?"
"She want to be here tomorrow",kausap nito marahil sa kanyang ama.
"No", narinig niyang sagot ng ama na ikinasama agad ng loob niya. "You will wait for judge Romulo, Bettina. And please stop giving me a heartache at baka ikamatay ko na."
"You can't do this to me", hikbi niya. Agad na nabahala ang ginang base sa tono nito.
"Tina,listen to me. Wait, I'll just go outside so he wouldn't hear me."
"Listen, I know it's really unfair to you. Pero nakikiusap ako Tina. Not as a mother of Giu but as your mother too. Just think about your child. It's all that matter. Minsan kapag nanay ka na, hindi mo na kailangan isipin ang kaligayahan mo kundi ang kaligayahan lamang ng anak mo."
Natigilan siya. Tama ang sinabi nito. Pero may gusto siyang ipamukha sa babae.
"Then why you choosed to leave Giu and marry my father then? Wala po sana ako sa sitwasyong ito kung hindi ninyo siya ipinagpalit sa lalaki. I'm sorry, I don't want to stoop down into this level but what you've said was the exact words you should apply to yourself. My case is different. I choosed my child over everything. I don't need a man to complete her. A lot of people will love her even Giu wasn't around. Marami akong nakikitang mas maayos ang buhay ng anak nila kahit walang ama."
Matagal itong natahimik sa kabilang linya. Alam niya nasaktan niya ito. Pero bago siya nito pangaralan sa pagiging ina, pangaralan muna nito ang sarili. Dahil kung tutuusin ito ang punot dulo ng lahat.
"I'm sorry. But your father insist this Tina. Kung ako lang, don ako sa desisyon mo. Just talk to him."
Hindi na siya umimik at hinintay na lamang na ibigay nito ang telepono sa kanyang ama.
"Bettina, I made my decision."
"Daddy please!"
"Wala na kayong ginawang magkapatid kundi patayin ako sa sama ng loob. I'd better die. Para sumunod na ako agad sa mommy ninyo. Minsan gusto kong mainis sa kanya, dahil iniwan niya sa akin ang mga anak namin na puro matitigas ang ulo!"
Hindi na siya nito binigyan ng pagkakataong sumagot at pinutol nito ang tawag. Napahikbi na lang siya. Kailan ba ito matatapos sa pagkokontrol sa buhay niya? Hindi ba nito naisip kung bakit ayaw niya? Hindi man lang ba ito nasaktan sa ginawa ni Giu sa kanya? Bakit pakiramdam niya hindi nito pinapahalagahan ang nararamdaman niya?
Hilam ang mga luhang lumabas siya roon at tinungo ang hagdan. Naramdaman niya ang presensya ng lalaki. Ngunit wala siyang lakas na makipagtalo pa. Pagod siya. Pagod na siyang intindihin ang sitwasyon. Nasa kalagitnaan na sila ng hagdan nang magsalita ito. Nakasunod pala ito sa kanya.
"Just go home and clean yourself Giu. You look like a mess",walang lakas niyang pagtataboy dito. Ngunit hindi ito sumunod. Nanatili itong nakasunod sa kanyang likuran. Hanggang sa pagpasok niya sa silid ay nakasunod ito.
Hindi na siya nag abala pang magbihis ng pantulog at dumeretso na lang ng higa. Napapagod siya. Isip at katawan niya ay pagod.
"We can annul our marriage if you want. Let's just do what your father's want. At least, until he'll get well."
"Okay...." Hindi nag iisip na sagot niya. Para siyang robot. At ang remote control ay ang kanyang ama. Sana pala hindi na niya naisipang umuwi pa sa bahay na iyon. Kalbaryo lang pala ang aabutin niya. Marrying Giu is like a suicide. Parang inilapit niya ang sarili sa apoy at nagpasunog. She don't trust him.
Hindi niya pa naitatanong sa binata kung ano ang eksaktong sinabi nito sa kanyang ama at kapatid. Pero siguro ipagbukas na lamang niya. Dala marahil ng kapagudan ay agad siyang nakatulog. Ni hindi niya na nakita ang masuyong titig nang lalaking putok ang labi at maga ang buong mukha dahil sa pasa.
________
Giu
I don't want you to forgive me. But I can't leave you. I just realized how important you are when I stop seeing you. And that's scares the hell out me. I'm scared of that strange feelings you made me feel. I known myself as a heartless and not capable of caring someone except for my family and friends. I really want to tell you that I cared. I care for you nang hindi ko namamalayan. Nagising na lang akong nagsisisi at nasasaktan dahil sa ginawa ko sayo. Saka ko lang narealized when everything was too late. I've waited everyday for you to come home. Indeed, you came home. But not with me, to your family.
I will not ever feel sorry of what I did. Getting close and let you fall in love with me. Because you know why? That was the most happiest moment of my life. Hindi ko lang kayang tanggapin na binago mo ako. That's why I choosed to hurt you with awful words. Because I want to prove myself that, what i felt was wrong.
Sorry kung hindi kita pagbibigyan na layuan ka. Because I can't Tina. I can't!
Ang mga salitang iyon ang gusto niyang sabihin dito pero hindi niya magawa. Bukod sa masakit ang bibig niya tuwing bubukas iyon, alam din niyang hindi siya papaniwalaan ng babae. Kung may pinagsisihan man siya sa nangyari, iyon ay hinayaan itong lumayo. Lumayo dahil sa masasakit niyang sinabi dito.
Humugot siya ng malalim na hininga bago ito nilapitan at para sana ilagay ang kumot nito ngunit napatingin siya sa umbok ng tiyan nito. Nakatagilid ito ng higa kaya pormadong pormado ang pagiging bilog ng tiyan nito.
Our baby. Daddy can't wait to see you. I love you.
Hindi na niya napigilan ang sarili at yumuko para gawaran ng pinong halik ang tiyan nito. Gusto niyang ipadama sa bata na mahal mahal niya ito. Napangiti siya nang gumalaw ito.
"Hey baby, it's me daddy", mahinang anas niya. Takot na baka magising ang babaeng himbing na natutulog. Hinaplos niya ang umbok kung saan ito naglilikot. It's look like her feet.
"I love you...."
_____
Tina
Hindi niya pinagkaabalahang ayusin ang sarili. Humarap siya sa judge na iniutos ng kanyang magaling na ama na nakadaster lang at medyo magulo ang buhok. Gusto niyang iparating sa lahat na labag na labag ang loob niya sa nangyayari.
Hindi niya magawang tingnan si Giuseppe. Ayaw niya itong tingnan dahil bumabangon ang poot sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung umuwi pa ba ang lalaki kagabi. Dahil pagkagising niya ay nandoon na ito sa bahay nila.
Mas lalo siyang nangingitngit na parang kalmado lang ito kahit sa pagpirma na ng kontrata. Wala silang kahit sinong kasama doon maliban sa kanyang kapatid na noo'y halos patayin na nito sa sama ng tingin si Giu.
Nang siya na ang pumirma ay mabilisan lang niyang ginawa iyon at padaskol na binitawan ang ballpen. Mukha man siyang naging bastos sa harap ng judge ay wala siyang pakialam. Gusto niyang iparating dito na kahit may pinag aralan ito ay wala pa rin itong utak para maging tuta ng kanyang ama.
Magkasabay na buntung-hininga lang ang narinig niya nang tumalikod siya. Alam niyang nakasunod lang ang tingin ng tatlo sa kanya ng lumabas siya sa library ng ama. Pabagsak pa niyang isinara ang pinto bago tuluyang bumaba.
Natigilan siya sa paghakbang nang maabutan doon si Sheerina. Anong ginagawa nito dito? Bakit hindi umakyat para saksihan ang shotgun wedding nila nang minamahal nito?
Nakipagtitigan ito sa kanya.
"Ganon na lang ba yon? Hindi mo ipaglalaban ang pag ibig mo sa lalaking iyon? Bakit nga ba di mo pa siya tuluyang tinali sayo? Diba nga gustong-gusto mo siya? You should at least stop him!"
"I will just wait until you're marriage get annulled. I know, babalik at babalik pa rin siya sa akin."
Napakuyom ang kanyang kamao. Gusto niyang magwala dahil wala man lang siyang nagawa sa sitwasyon. Namanipula na naman ang buhay niya at ang masaklap pa ay tila pinagtulungan siya ng lahat. Hindi na niya itinago ang hinanakit niya sa babae. Puno ng luha ang kanyang mga matang tiningnan ito.
"Hindi talaga kayo titigil hangga't hindi niyo ako nakikitang nadudurog."
Galit siya rito,galit siya sa lahat. Galit siya dahil pakiramdam niya sinakal siya ng mga ito. Mas lalong galit na galit siya kay Giuseppe. Kung hindi nito pinangunahan ang pagsabi niya sa mga magulang nila ay wala sana siya sa sitwasyong iyon. Hindi man lang siya binigyan ng karapatang humindi.