Parang himalang biglang gumaling ang kanyang ama kinabukasan. Bakit pakiramdam niya nagkunwari lang itong nagkasakit para masunod ang gusto nito?
Nang sabihin nang kanyang biyenan na lumipat na sila sa bahay ng mga ito ay hindi na siya nagdalawang isip na pumayag. Naso-suffocate siya sa presensya ng kanyang ama at hilaw niyang biyenan. Hindi niya feel ang pagiging asawa sa anak nito dahil una sa lahat labag iyon sa kanyang kalooban. Pero ang malayo sa dalawa ang magpapaginhawa sa kanyang pakiramdam ay titiisin na niya. Dibale na si Giu dahil may trabaho ito at hindi sila araw-araw magkikita.
Umalis siya sa mansyon nilang walang kinausap sa kanyang pamilya. Hindi pa rin nabawas-bawasan ang sama ng kanyang loob. Mabuti na lang hindi na nakikisabay ang kanyang tiyan. Marahil ay hindi na siya napupwersang gumalaw o magsalita.
"You want to take a rest now?" Malumanay na tanong ni Giuseppe nang nasa loob na sila ng bahay na pinagdalhan nito sa kanya. Hindi niya pinagkaabalahang ikutin ang tingin sa paligid dahil ayaw niyang may makitang maganda sa pagkatao nito. Dahil para sa kanya ang lahat-lahat ng tungkol dito ay pangit.
"I'll just bring your things in our room", pahayag nito mula sa kanyang likuran na ikinatigil niya sa paghakbang.
"Our room?" Nanunuyang tanong niya. Nilingon niya ito at binigyan ng nanunuyang ngiti. "I can't breathe the same air with you Giu. Nagsisisi akong pinatawad kita noon kahit hindi mo deserve. I don't deserve this kind of life. You are manipulating me!"
"I'm not manipulating you Bettina", malumanay pa ring sagot nito. Naiinis siya sa tono ng boses nito. Gusto niyang magalit ito. Gusto niyang sagutin siya nito sa parehong paraan nang pagsasalita niya. "I am just doing the right thing."
Umiling siya. "You didn't make it right Giu. You've just made it worst. And I hate you all because of that!"
Sapo ang tiyan na naglakad siya papasok. "Can you at least do me a favour?"
"Sure. What is it?"
"Please let me stay in another room. Not beside you. And I don't want to see your face everyday. It makes me sick!"
Napasinghap ito. Akala marahil nito ay makikisama siya nang maayos dahil sumama siya rito.
"Okay",sambit nito pagkatapos nang maikling pananahimik. "I will not show my face everyday. But at least give me a exact time to check you up. It's not just you. It's not just all about the two of us. Just think about our baby inside your womb."
"Our baby? It will never be our's Giu. She's just mine!"
Pagak itong natawa. "You are selfish."
"Yes I am. I am selfish. Who was not by the way? What you did to me was selfishness too."
______
Kasunod na mga araw ay sumunod naman ang lalaki sa gusto niya. Nararamdaman lang niya tuwing gabi ay papasok ito sa silid niya at kakausapin ang batang nasa tiyan niya. Minsan natutukso na siyang imulat ang mga mata at sapakin ito. Kung ano-anong sinusumbong nito sa walang kamuwang muwang na bata sa kanyang sinapupunan. Kesyo pinapahirapan niya raw at hindi pinapansin. Minsan napapairap nalang siya sa inis kapag lalabas na ito sa silid niya at lilipat sa guestroom. Doon ito natutulog at pinaokupa sa kanya ang master's bedroom.
Nagbulag-bulagan siya tuwing nakikita niyang may binibili itong gamit para sa magiging anak nila. Pinilit niyang huwag i appreciate ang mga effort nito. Para sa kanya,obligasyon iyon ng lalaki.
Kapag nakikita niyang wala ang sasakyan nito ay saka siya bababa. Wala ring palya ang pagsulpot ni Sheerina roon na pilit niyang inignora. Kanina nga, magkasabay ang dalawang lumabas at hindi niya alam kung saan pupunta. Nakasilip lang siya sa may bintana.
Tanging si Manang Myrna lang ang pinagtatiyagaan niyang kausapin sa bahay na iyon.
Pagkatapos niyang maglakad-lakad ng ilang minuto ay saka niya naisipang pumasok at hanapin ang katulong.
Natagpuan niya itong nagva-vacuum sa sala. Tumigil naman ito ng makita siya.
Kimi siyang ngumiti dito saka sinabi ang sadya.
"Manang, yung mga bulaklak po sa hardin ang gaganda", bahagya siyang napangiwi sa kanyang pakonswelo.
"Alin po doon ma'am?"
Napakagat labi muna siya saka alanganing ngumiti. Mali siya nang isipin niyang ayaw niyang may makitang maganda sa bahay na iyon. Halos maghugis puso ang mga mata niya nang makita ang mga bulaklak sa hardin. Unang kita pa lamang ay natutukso na siyang pumitas.
"Yung mga tulips po."
"Ahh yun ba. Si Sir Giu ang nagtanim niyon."
Napataas ang kanyang kabilang kilay. Ito,nagtatanim ng bulaklak? Unbelievable!
" Ang akin lang don ay yung mga rosas at orkidyas. Yung tulips sadyang iniba ni sir yan. Kita mo nga at inihiwalay saka balot na balot ng net. Galing pa yata sa Spain ang variety niyan kung hindi ako nagkakamali."
"Ah ganon po ba. Hihingi na lang po ako don sa mga rosas mo."
"Naku ma'am, hindi niyo na po kailangang magpaalam. Nakikita ko naman pong natutukso na din kayong pumitas", natatawang saad nito na ikikamot niya ng tenga. Napapansin pala nito ang ginagawa niya tuwing umaga.
"Ah salamat po Manang."
Bago siya bumalik sa labas ay kumuha muna siya nang panggupit sa kusina.
Akma na sana niyang gugupitin ang sanga ng puting rosas ng mapadako ang tingin niya sa kabilang bahagi. Ayaw niya sanang makialam hangga't hindi siya nakapagpaalam sa may ari. Pero mamamatay muna siya kung sasabihin niya iyon sa lalaki. Hindi naman siguro nito mapapansin kung kukuha siya ng ilang tangkay.
Mali, buntis pa naman ako. Pangit kumuha ng hindi sayo.
Napakagat na lamang siya ng labi. Pumikit siya saglit. Pwede naman sigurong kumuha hindi naman siguro nito iyon mapapansin.
Hindi niya ikagalit pero ikakababa naman ng pride mo!
Gusto niyang kutusan ang bahaging iyon ng utak niya. Dalawang araw pa lang silang nagsasama pero hindi niya talaga ito maatim na kausapin ng kaswal lang. Ni makasalo ito sa hapag ay ayaw niya.
Bahagyang umihip ang hangin at napasunod ang tingin siya sa pag indayog ng mga bulaklak na para bang nagsasabing; halika, pitasin moko!
Bumuga siya nang hangin at nagbilang hanggang sampo bago tinungo ang kinaroroonan niyon. Ang lima sanang plano niyang pipitasin ay umabot sa mahigit sampo. Hindi niya kasi napigilan ang sarili.
Napasapo na lamang ng bibig ang katulong nang mapasukan niya ito sa kusina para kumuha ng flower vase.
"Nagharvest po kayo ma'am?"
"E ano kasi. Nakakatukso",hindi na siya nagsinungaling pa. Totoo naman kasing natukso siya.
Mabilis siyang napalingon sa likuran ng may tumikhim. Umakyat yata lahat ng dugo sa kanyang pisngi dahil sa pag iinit niyon. Nahihiya siya sa totoo lang. Ang lakas ng loob niyang hindi ito kausapin tapos halos inubos na niya ang tanim nitong bulaklak.
Bumuka ang kanyang bibig ngunit walang salitang lumabas doon. Para pagtakpan ang pagkapahiya ay ibinagsak niya ang yakap na mga bulalak sa mesa.
"Ang sakit kasi sa mata sa labas kaya tinanggal ko na. Hindi naman maganda."
Tumaas lang ang kilay ng lalaki. Anyong hindi ito naniniwala. Walang paalam siyang lumabas ng kusina at umakyat sa taas ng silid. Saka niya sinilip mula sa bintana ang garden na halos kalbuhin na niya. May natira pa naman, yung hindi pa namumukadkad ang bulaklak.
Maya-maya pa ay nakarinig siya ng mahihinang katok.
"Bukas po yan",aniya. Sigurado siyang si Manang iyon. Ngunit nagulat siya ng bumukas iyon ay puro tulips na nakalagay sa vase ang kanyang nakita. Hindi niya nakikita kung sino ang may bitbit niyon pero sigurado siyang si Giu iyon.
"Next time",umpisa nito nang mailapag ang bulaklak sa bilog na mesa. Papagalitan ba siya nito dahil halos ubusin na niya ang tanim nito?
"Ask someone to do it for you. Hindi iyong mag isa mo lang gagawa. Ang bibigat pa ng mga tangkay dahil mahahaba ang pagkakaputol mo."
"Hindi ka nagagalit?" Nagawa niyang itanong. Natawa ito ng pagak.
"Bakit ako magagalit? I just planted those because it reminds me of you."
Saglit na lumukso ang puso niya sa sinabi nito ngunit agad niyang sinaway ang sarili.
"Salamat",tanging nasambit niya.
"Ahm, I can't be home tonight", pagkuway sabi nito. Muntik na niyang tanungin kung saan ito pupunta ngunit agad niyang naalala na wala pala siyang pakialam dito. Unang beses na nagpaalam ito. "Sheerina and I have some things to do in the hospital until tomorrow."
So, she's a doctor too!
"Just call me when you need something okay?"
Wala siyang ginawa kundi tumango lang. Pilit niyang pinapakita dito na wala siyang pakialam sa kahit anong galaw nito.
"Ahm, can I...ahm, forget it", nag aatubiling sambit nito. Ngunit alam niya ang gusto nitong gawin dahil titig na titig ito sa kanyang tiyan.
"You want to kiss her, like what you always do?"
Napamaang ito sa gulat. She just smirk. Akala pala talaga nito ay tulog siya tuwing papasok ito sa silid niya at kakausapin ang kanilang anak. Pagkatapos ay hahalikan ang kanyang tiyan bago aalis.
"You can kiss her now, bago pa magbago ang isip ko!" Sabay irap dito. Pasalamat ito at hindi siya kasing sama ng budhi nito.
Wala itong inaksayang segundo at mabilis na tinawid ang ilang hakbang nilang pagitan.
Iniwas niya ang tingin dito nang yumuko at sapuhin ang umbok ng kanyang tiyan.
"Thank you..." Anas nito.
"Bilisan mo na!" Angil niya. "Bayad yan sa mga bulaklak mo na pinitas ko."
Malungkot itong tumingala sa kanya.
"Wala akong pakialam kahit ubusin mo yung tinanim ko. Just stop saying that's it's like kailangan mo akong pagbigyan dahil para kang nagbabayad. Life is not like that Tina."
"Ganon ba? Gusto mo bang ipaalala ko sayo kung paano mo siningil ang tatay ko?" Hindi niya mapigilang patutsada.
"Bye baby, daddy will come home soon", sa halip na sabi nito. Huh! Akala ba nito lahat ng bagay na lalabas sa bibig nito ay tama? Ipaparamdam niya ditong nagkamali itong pakasalan siya. Isang araw ito rin ang kusang magsasauli sa kanya sa kanilang mansyon dahil hindi na nito kaya ang ugali niya.
Nang makalabas na ito ng silid ay saka niya pinakawalan ang ngitngit na nararamdaman.
"Kung gusto lang palang makasama ang Sheerina na yon, bakit hindi na lang sila ang nagpakasal?" Gigil na wika niya nang mapag isa. At ano, hindi ito uuwi dahil doon ito matutulog sa tabi ng babae? Walanghiyang lalaki, sana di na lang nagpakasal kung hindi makatiis na hindi makapag kama ng babae!
At wala akong pakialam!
______
Maalinsangan. Hindi siya makatulog. Bukod sa pakiramdam na iyon ay hindi rin maalis sa isip niya ang ginagawa ni Giu ngayon kasama ang kababata kuno nito. Maaaring kababata lang ang tingin ng asawa niya sa babae--
Asawa? Hindi ko siya asawa!
Pero hindi tinging kapatid ang tingin ni Sheerina sa lalaki. Maaaring hindi ito mahindian ni Giu dahil lalaki lang ito. At kilala niya ang lalaki pagdating sa ganoong reputasyon. Mahina ito sa tukso at babaero.
Gusto niyang kutusan ang sarili. Dapat hindi niya ito pakaisipin. Dapat wala siyang pakialam. Ngunit hindi pa rin mawaglit sa isip niya ang malalaswang bagay na pwedeng gawin ng dalawa. Katulad na lang ng unang kita niya rito. Wala itong patawad. Who knows kahit sa hospital ay gumagawa din ito ng lababalaghan. Ang tipo nito ang trip ay magkaron ng extra curricular activities.
Ang landi ng tatay mo anak!
Nasa ganoon siyang pag iisip nang tumunog ang kanyang message alert tone. Pahinamad na inabot niya iyon at binasa kung sino ang nagtext. Lumukso ang puso niya nang makitang si Rafa iyon. Nasa Pilipinas na ito at kasama nito ang kapatid na si Ruffus. Agad siyang bumangon at tinawagan ito.
"Hey, we're on the way home. Kasama ko si Kuya!" Agad na bungad nito.
"I've missed you!" Tanging nasambit niya. Tuwang-tuwa siyang umuwi na ito. Kahit papano ay may makakasama siya sa bahay na iyon.
"Me too beshieee! Anyway kuya said hi."
"How is he? Did he bring his wife?" Tanong niya.
"We're divorced",sagot ng britonong tinig. Sigurado siyang si Ruffus iyon. The guy had a thing on her before. Kolehiyo pa lang siya ay isa ito sa makulit niyang manliligaw noon. Ngunit natigil lang ito nang mag abroad ito at nakapag asawa ng foreigner. May dalawang anak na puru lalaki. At ngayon hiwalay na, kaya siguro umuwi na ng Pinas.
"Babaero ka siguro",nagawa niyang magbiro.
"Loyal to dre! Diba nga loyal ako sayo noon? Tapos binasted mo lang ako."
Napabunghalit siya ng tawa sa sinabi nito. Tuwing nakakausap nila ito sa facetime kasama si Rafa ay iyon ang palagi nitong bukambibig. Sa sobrang halakhak niya ay may pumitik sa kanyang puson. Natigil siya sa pagtawa. Pinakiramdaman niya ang sarili. Ang pitik na iyon ay naging masakit papunta sa kanyang likod.
"Tina? Are you still there?" Boses iyon ni Rafa.
"Parang may pumitik sa tiyan ko."
"You're baby move?"
Umiling siya na para bang nakikita siya nito. Hinaplos niya ang naninigas na tiyan.
"Actually it's hardened", aniya. Kinakabahan siya sa totoo lang. May nakakwentuhan siyang kasabayan niya sa pagpapacheck up at nakaranas nang manganak. Ganon na ganon ang pakiramdam niya base sa mga kwento ng mga ito kapag manganganak ang isang buntis.
"Tell us exactly what you feel,Tina",malakas na sabi ni Ruffus. Nasa boses nito ang tila natataranta.
"It's like a twinge of pain from my back tapos papunta sa tiyan. Pero bearable naman",nagawa niyang ipaliwanag.
"Oh God!"bulalas nito. "Where is your husband?"
"Ahh..." daing niya. Saglit kasing dumaan ang sakit. "He went out. He has a work."
"s**t!"Malutong na mura nito. "Just send us now your location!"
"Okay", nagawa niyang itugon. Tinatambol ng kaba ang kanyang puso. Tiningnan niya ang oras sa kanyang cellphone.Madaling araw na pala.
Agad niyang pinasa ang location niya kay Rafa at sinikap ang sariling tumayo nang saglit na mawala ang sakit. Nagsumikap siyang magbihis at nagawa pa niyang sambitin ang maliit na box na may gamit ng kanyang baby.
Malakas ang kutob niyang manganganak na siya. Hindi na niya pinagkaabalahang gisingin pa ang katulong. Nakasentro kasi ang atensyon niya sa tiyan na maya't- maya ay humihilab.
Nang may nagdoorbell ay wala siyang inaksayang sandali at lumabas bitbit ang cellphone at ang hindi kalakihang box.
Mabilis na sinambit ni Ruffus ang kanyang bitbit at inalalayan siyang pumasok sa kotse. Nagtaka pa siya nang pababain nito ang driver at inutusang magtaxi na lang pauwi.
Silang dalawa ni Rafa ang naupo sa likuran .
"How do you feel?"
"Masakit?" Nakangiwing sagot niya.
"Kumusta ang biyahe niyo?" Nagawa niyang itanong. Gusto niyang i distract ang sarili. Ayaw naman niyang matulad sa mga napapanood niya sa mga video na sumisigaw habang nagla-labor. Kalmado niyang inutusan si Ruffus na magbiyahe patungong St. Benedict. Iyon lang kasi ang mas pinakamalapit at nandoon si Giu.
Gusto man niyang magalit sa lalaki dahil mas inuna nito ang trabaho ay hindi niya magawa. Mas maigi nang wala ito sa tabi niya habang nagla labor siya at baka mamura mura niya pa ito dahil sa tindi ng sakit. Napapakapit na lang siya ng mahigpit sa seatbelt tuwing aatake ang sakit. Ayaw niyang mataranta ang dalawa lalo pa at nagmamaneho si Ruffus.
"Napaka timing mo talaga baby girl!" Bulalas nito sa unahan. Napangiti na lang siya sa sinabi nito. Talagang hinintay talaga ng kanyang anak na makauwi ang magiging ninong at ninang nito.