Prologue
“Mga walang hiya kayo, hinding-hindi ko kayo mapapatawad sa ginawa niyo sa akin” palahaw ng babae
“Ano bang pinagsasabi mo Amelia, kahit na kailan ay hindi tayo nagkaroon ng kaugnayan sa isa’t isa” galit na wika ng lalaki
“Tigilan mo na kame Amelia, mahal ko si Leandro at nagmamahalan kaming dalawa, parang-awa mo na itigil mo na ito” nagsusumamong wika ni Laira na nayakap kay Leandro
“Manahimik ka Laira, itinuring kitang matalik na kaibigan pero nagawa mo ito sa akin, napaka sakit isipin na ang matalik mong kaibigan ang tatraydor sayo, matagal mo nang alam na may pagtangi ako sa lalaking iyan” sigaw nito sabay turo sa lalaking yakap-yakap niya
“Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi kita mahal, binigyan mo lang ng maling pakahulugan ang mga pinapakita ko sayo, at iyon ay bilang isang kaibigan lamang dahil ikaw ay kaibigan ni Laira, maayos kitang pinakitunguhan dahil may ugnayan kayo” mahinahon ng tugon ni Leandro
“haaaaaa, manahimik kayong dalawa” sigaw nito at nilabas ang patalim at tinutok sa kanilang dalawa
Nataranta naman ang dalawa nang Makita nila na naglabas ito ng patalim, niyakap ni Leandro si Laira upang protektahan ito
“Kung hindi siya mapapasa-akin, puwes hinding-hindi ako papayag na mapunta siya saiyo Laira, kaya mabuti pang mamatay na lang kayo” sigaw nito at napinukol ng namumuhing tingin ang dalawa
Patakbo itong lumapit sa kanilang dalawa, samantalang hinawi naman ni Leandro si Laira upang itago ito sa kanyang likuran, hindi niya hahayaang masaktan ang babaeng mahal niya
Tumakbo ang babae upang isaksak ang hawak nitong patalim kay Laira ngunit napigilan niya ang kamay nito, at nagawa itong itulak
Samantalang si Laira ay iyak ng iyak dahil sa nangyayari, hindi niya akalain na sa ganito mauuwi ang kanilang pagmamahalan, at masisira nito ang ugnayan niya sa matalik na kaibigan
Nang lalapit sa kanya si Leandro ay hindi nito na pansin na nakatayo na si Amelia at tangkang sasaksakin ang lalaki kaya tinakbo niya ito at nakipag agawan siya sa hawak nitong patalim
“Parang awa mo na Amelia itigil mo ito” sabi niya dito habang nakikipag agawan sa hawak nitong patalim
“Hindi ko papayagan na maging masaya ang isang katulad mong ahas” at tinulak siya ng malakas dahilan upang siya ay matumba, at ng tangka siya sasaksakin nito ay malakas itong tinulak ni Leandro upang ito naman ang matumba
Tinulungan siya ni Leandro na makatayo, umiiyak siyang niyakap ang lalaki
“Tahan na mahal ko, hindi ko hahayaan na masaktan ka ng babaeng iyan” anito at tinuro ang kaibigang nakadapa pa rin
Napansin niyang hindi ito kumikilos, kinabahan siya ng sobra kahit na ganito ang turing sa kanya ng kaibigan ngayon ay mahal pa rin niya ito, at ayaw din niyang may mangyaring masama dito, masama lang siguro ang loob nito sa nangyari, kaya ganito ito kagalit pero lilipas din ang panahon at mapapatawad din sila nito
Nanginginig siyang lumapit dito at hinila ito paharap sa kanya, nakita niya na nakatusok sa bandang dibdib nito ang patalim
“haaaaa, Amelia gumising kaaaa” sigaw niya habang umiiyak
Dumilat ito habang habol ang hininga, hanggang sa huling hininga nito ay galit at hindi pa rin siya nito mapatawad, dahil bago pa man ito tuluyang malagutan ng hininga ay nagsalita pa ito
Habang kandong niya ang ulo nito ay pilit siya nitong hinawakan sa leeg, ngunit hirap na itong itaas ang kamay kaya tanging ang suot niya kuwintas ang nahawakan nito
“Tandaan nyo ito… aghk… kahit na sa kabilang buhay ay hinding-hindi ko kayo mapapatawad…. Aghk…” anito na pautal-utal ang pagsasalita
“Ameliaaaa… huhuhu pakiusap” aniya dito na hindi na alam ang sasabihin pa
“isinusumpa ko, hanggang sa pinaka apo ng apo ninyo kung saan nanalaytay ang dugo ninyong dalawa, babalik at babalik sila sa oras kung saan madudurog ang puso nila sa sakit na nadarama nila tulad ng pinaramdam niyong dalawa sa akin, hindi sila makakawala sa panahon ng pighati at paghihirap… aghk” anito habang umuubo ito ng dugo at tuluyan na itong nalagutan ng hininga
Halos mapasigaw si Laira sa sobrang pagdadalamhati dahil sa nangyari sa matalik na kaibigan, napayakap na lamang siya sa kanyang kasintahan habang umiiyak
Nang biglang gumuhit ang matalim na kidlat sa langit at dumagundong ang malakas na kulog, tumama pa ang kidlat sa isang puno na malapit sa kanila ka napasigaw siya
Pilit siyang kinalma ni Leandro, at lumapit sa nakahandusay na si Amelia at kinuha ang kuwintas na nahila nito habang kandong ito kanina sa kanya
Ilang araw na ang nakalipas mula ng mailibing ang kaibigan, nagalit ang buong angkan ng kaibigan niya sa kanya at pinutol na ng tuluyan ang ugnayan sa kanila
“Mahal natatakot ako na baka magkatotoo ang mga salitang binitiwan ni Amelia” aniya sa lalaking kasintahan
“Mahal ko, wag kang mag alala dahil hindi mangyayari iyon at saka hindi ko hahayaan na may mangyaring hindi maganda sa iyo sa mga magiging anak natin sa darating na panahon” anito