“Para din ito sa ikakabuti mo Anak, kaya hiwalayan mo na yang lalaki na yan, walang magandang maidudulot sayo ang lalaki na yan” galit na sabi ng kanyang Ama “Gusto nyong hiwalayan ko sya ng hindi nyo sanasabi sa akin ang dahilan kung bakit, Pa naman ginagawa nyo naman ako bata e” aniya na pilit iniintindi ang Ama “Ayoko lang na masaktan ka, kaya hiwalayan mo na ang lalaking yan, tapos ang usapan” anito sabay talikod “Pa, gusto ko kayong intindihin pero paano ko kayo maiintindihan kung ayaw ninyong ipaintindi sa akin, ano ba ang hindi ko alam na ayaw nyong sabihin sa akin” inis na inis na niyang sabi sa Ama “Sundin mo na lang ako at hiwalayan na ang lalaking iyan, tapos ang usapan” anito saka pumasok sa kwarto

