“Babe, kinakabahan ako” aniya saka mahigpit na hinawakan ang kamay ni Lance “Wag kang kabahan, mas close pa nga sila sayo noon kesa sa akin na anak nila e, kaya relax ka lang” natatawa nitong turan habang hawak ang nanlalamig niyang kamay Matapos ang mga kaibigan niya ay ang mga magulang naman nito ngayon ang kakausapin nila, pero nasabihan ni Lance ang mga ito, kaya isinama siya nito sa dinner nila dahil gusto daw ng mga ito na makita siya Pagkabukas pa lang ng pinto ay ang Mama na agad nito ang bumungad sa kanila “Mila Hija! I’m glad you’re here” natutuwang yumakap ito sa kanya at nak

