Walang gustong magsalita ang lahat ay tahimik lang at nakikiramdam sa bawat isa, ang tensyon na namamagitan sa kanilang katahimikan ang lalong nagpapadagdag sa kaba ni Miles Kaharap nila ang Ama at ang Lolo niya, katabi naman niya si Lance, nabasag lang ang katahimikan ng unang magsalita ang kanyang Ama “Mukhang kahit anong gawin at sabihin ko sayo Milagros ay ang gusto mo pa rin ang susundin mo” walang emosyon nitong wika pero ramdam ang owtoridad sa tono ng boses nito “Pa ang gusto ko lang naman ay maunawaan ang lahat, pero bakit ang hirap para sa inyo na ipaliwanag iyon sa akin, alam kong nag-aalala kayo para sa akin, pero paano ko kayo mauunawaan kung ayaw ninyong ipaalam sa akin ang katotohanan” malungkot niyang sagot sa Ama “Gusto mo ng katotohanan sige, sasabihin ko sa iyo” anit

