Halos ihagis na ni Lance ang kanyang sarili sa kanyang kama, sobrang napagod siya sa araw na iyon kasi halos hindi na rin siya lumabas ng office nya sa sobrang dami na kailangan niyang gawin Sa isang araw lalabas na din sa ospital ang kanyang Lolo, at opisyal na rin siyang itatalaga bilang CEO ng kumpanya nila Ang party ay gaganapin sa sabado ng gabi at lahat ng empleyado ay dadalo din Agad naman siyang napangiti ng maalala ang dalaga ilang araw nya na rin itong hindi nakakausap at isang beses lang din niya itong nakita sa opisina ng papunta ito at ang mga kaibigan sa canteen Hanggang ngayon ay wala pa rin itong idea na siya ang CEO sa kumpanyang iyon at mukhang hindi rin sinabi ng kaibigan nito sa kanya Nang maalala niya ang inabot sa kanya ng Albularyo noong pabalik na sila ng nasa

