Matapos magluto ng pananghalian ay kumain na din siya bago maligo at dadalhan pa niya ng pagkain ang kanyang Lolo Habang naliligo ay hindi maalis sa isip ni Miles ang babaeng humalik kay Landro sa kanyang panaginip “Sino kaya yun parang pamilyar sa sa akin hindi ko ang matandaan kung saan ko siya makita” aniya sa sarili habang naiiling at pilit na tinatanggal sa isipan niya ang pangyayari sa kanyang panaginip Pagkalabas ng banyo ay ngtungo siya sa kanyang drawer at naghanap ng maisusuot Kinuha niya ang color Mustard shirt na paborito niya dahil nakakadagdag kasi iyon sa kaputian niya saka isang denim short ang tinerno niya, saka niya tinuyo ang buhok gamit ang hair drayer na pinadala ng kanyang ama para sa kanya nang ibalita niya dito na magsisimula na siya na kanyang inter

